Kabanata 24

111K 3.4K 4.4K
                                    

W: This chapter is R-18

***







"May assembly meeting bukas. Pasok kayo?"





Kakapasok ko palang pero iyon agad ang bungad ng mga kaklase ko. Napiling-iling ako at dumiretso na sa upuan ko. Lahat ay nandito na dahil alas otso na rin. Hinihintay na lang namin si Zahira dahil siya ang prof namin ngayon.





"Inaantok pa ako," reklamo ni Pam at walang kabuhay-buhay niya akong niyugyog.





"Eh, sino ba kasing nagpumilit na manood pa ng disney movie?" Sumbat ko rito at hinayaan siyang pumilig sa balikat ko, nakapikit na siya ngayon.





Siguro'y higit kumulang tatlong oras lang ang tulog namin dahil sa pagpupumilit ni Pam na manood pa. Apat na movie ang natapos namin. Si Zahira ay nauna nang umalis after ng dalawang horror movie dahil may tatapusin pa raw siyang trabaho. Oo, walang nangyari dahil panay na ang tingin sa amin ni Pam after no'ng unang pinanood namin. Nakakadisapoint—alright, hindi ako 'yon. Ibang Ember iyon, oo.





"Good morning, Ma'am!"




Agad kong tinapik si Pam nang dumating na si Zahira. Kahit inaantok siya ay nagawa niya pa ring umupo nang maayos at tumingin sa harapan. Umayos na rin ako at ang atensyon ay napunta kay Zahira.




Gosh, bakit ba habang tumatagal pa-sexy nang pa-sexy at paganda nang paganda si Zahira sa paningin ko? Kahit anong suot niya ay bumabagay sa ganda ng katawan niya, lalo na ngayon. I bit my lower lip while looking at her from head to toe. She's wearing a white long sleeve that was tucked in her black split thigh pencil skirt, beige pointy toe stiletto ang pinares nito sa kaniyang damit. She's so hot! Ang effortless niyang makatawag ng atensyon. Ang expensive ng mga galawan niya. Gosh, she's perfect.





"Bring out 1/4 sheet of paper. Let's have a pre-quiz before I discuss about the next topic." She told us.





Laglag ang panga namin ni Pam nang marinig iyon dahil hindi kami nakapagreview kagabi. Ano 'to? Sinasabotahe kami ni Zahira? Alam niyang nanood kami ni Pam kagabi at hindi kami nakapagreview.





"Gago, hindi ako nagreview. Parang gusto ko na lang lumutang sa ere parang si Emily Rose—"





Natigil sa pagsasalita si Pam nang muli nang magsalita si Zahira. "Let's start. Number one, explain the different types of business taxes. I'll give you 2 minutes to answer that before we proceed to the next question."





"2 minutes? Kaya ba 'yon?" Rinig kong bulong ng katabi ko, nagrereklamo while she's scratching the back of her head using her ballpen.





Maging ako ay napakamot bago nagsulat. Isusulat ko na lang kung anong alam ko. Buti na lang at nabasa ko na dati iyong tatlong uri ng business taxes. Hindi ko alam kung tama itong explanations ko, bahala na basta may maisulat ako.





"Pre-quiz lang naman. Oo, pre-quiz lang ito, Jane. Hindi ka babagsak dito," pangungumbinsi ng nasa likuran ko sa sarili niya dahil siguro'y wala na siyang maisulat na sagot.





"Next, explain what is VAT." Zahira said while crossing her arms, nakatingin siya sa amin. Matamang sinusundan ang mga galaw namin at baka may mangopya.





"Wala pa nga akong nasasagot sa number one, number two na agad." Nagrereklamo na ang mga katabi ko maging si Pam na ngayon ay kinakagat na ang dulo ng ballpen.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon