Special Chapter-September

110K 3.5K 4.7K
                                    

***





"Congratulations on your developing little one, Mrs. Hernandez!"




Nang marinig ko iyon ay mangiyak-ngiyak kong niyakap si Zahira. I'm so happy! The results of Zahira's IVF is successful and positive. I can't help myself but to cry because of happiness. Sa wakas! Magkakababy na ulit kami, madadagdagan na si Zeirah.




"I love you," sambit ko kay Zahira habang hinahaplos ang tiyan nitong hindi pa man lumalaki. I knelt down and I kissed her tummy. "I'll take care of you and mommy, baby. Excited na ako sa paglabas mo," I said.




Nang muli akong tumayo ay ngiting-ngiti kong hinagkan si Zahira sa labi. All the pain is worth it. Lahat ng masasakit na napagdaanan ko, namin ni Zahira ay unti-unti nang napapalitan ng saya. I know, forgetting our past isn't easy, maaalala't maaalala ko iyon pero imbes na masaktan ay ginagamit ko iyon para mas lalong maging malakas.




There are times na nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko iyon, lalo na iyong pagkawala ni Pam pero kapag binabasa ko iyong huling letter niya sa akin ay kumakalma ako at napapanatag ang loob ko.




"Baby, magkakaroon ka na ng kapatid," balita namin ni Zahira kay Zeirah nang makauwi kami.




"Really, mommy? Is it a boy or a girl? If it's a girl, mommy, can I call her nuggets?" Tanong nito habang bitbit ang aso naming si Pammy na halos masakal na.




Natampal ko ang noo ko, "baby, let's stop watching tiktok videos na. Let's watch disney movies na lang, alright?" Kinuha ko sa kaniya si Pammy dahil naaawa na ako sa aso.




Magsasalita rin sana si Zahira nang dumating sila Kael at Peter na ngayon ay may mga dala ng iba't ibang prutas, may isang tray din ng itlog kaya nagpamaywang ako habang nakatingin sa kanila. Kababalita ko lang sa kanila na successful ang IVF ni Zahira ay heto na agad sila.




"Dumaan kami kila Sweden. Dinalhan din namin iyong asawa niya ng mga prutas at isang tray ng balut," Peter said while laughing.




"Balut? Is that even healthy for them?" I asked.




"Oo, nakita namin sa tiktok. Mahilig ang mga buntis ng ganito."




"You are watching tiktok videos too, Tito?" Zeirah asked kaya sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. "What videos are you watching po?"




Peter scratched the back of his head, "peppa pig, Zei. You know that?"





"Opo, but I'm watching that on netflix, tito. You know Mela? The chicken nuggets?"





Sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Peter at Kael. "Mama, thank you very much! You know that I love chicken nuggets!" Sigaw naming tatlo.




"Me too, mama!" Sigaw naman ni Zeirah na siyang ikinatawa naming apat pero natigil kami nang mapansin namin si Zahira na nakatingin na sa amin nang masama habang nakapamaywang.




Nag-iwas ako ng tingin habang nagpipigil ako ng tawa, ganoon din sila Peter samantalang si Zeirah ay humahagikgik pa rin kaya kinalabit ko siya dahilan para matahimik ito at humalukipkip sa akin. Ngayon ay nakatingin na rin siya sa Mommy Zahira niya na seryosong nakatingin lang sa amin.




Tumikhim si Kael. "Hi, Ate Zahi. Para sa 'yo pala," Kael said giving the one tray of eggs to my wife. Nahihiyang kinamot niya ang sentido niya.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon