Special Chapter-Zahira

88.2K 2.5K 2.9K
                                    

Warning: Rated SPG! Kakailanganin ng—char. Merry Christmas!

***








"Pasko na naman, nguni't wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?
Bakit ba naman kailangang lumisan pa?
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka."




Mariin akong napapikit nang marinig ko ang kanta mula sa labas ng gate ng bahay ko. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang mga kumakanta ay alam ko na agad na sila Peter iyon. It's already 2 in the morning for goodness' sake at kakauwi ko lang galing sa bahay nila mama para sa Notchebuena.



"Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko."




I let out a deep sigh as I opened my eyes again. Kaharap ko ngayon ang laptop ko because I'm working. I can't sleep at ayaw kong mag-isip ng kung ano kaya tinatapos ko na lang ang mga trabaho ko. Ayaw kong mag-isip, pinipilit kong magtrabaho, pinipilit kong tapusin lahat ng mga nasa harapan ko pero kahit ano yatang gawin ko ay hindi ako makapagfocus, hindi ako makapagconcentrate because I'm thinking about her. I miss her so much. I miss my September and I want to be with her right now but I can't... I just can't.




"Open your gate, Zahira! Celebrate your Christmas with us. Huwag kang sad girl!"



Napailing-iling na lang ako nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Piper nang makalabas na ako ng bahay. They are all waiting for me to open the gate. Piper, Peter, Kael, and Sweden. May kulang. Muli akong napabuntong-hininga.




"Merry Christmas, Ate Zahi!" The three shouted samantalang si Piper ay tila nababagot na nakatingin lang sa akin.




Peter was holding a mic while Sweden was holding a small speaker kaya rinig na rinig ang kanta nila. Si Piper naman ay may hawak na dalawang wine while Kael was holding four gifts na sa tingin ko ay tig-iisa nila iyon.



"Para sa 'yo 'tong mga 'to, Ate Zahi. Regalo namin sa 'yo." Malapad ang ngiti ni Kael nang sabihin niya iyon nang mabuksan ko na ang gate at nang makarating kami sa loob ng bahay.




"Thank you," tipid kong sambit.



"Let's drink. Iinom tayo sa ayaw at sa gusto mo."




"Pagpasenyahan mo na ang kambal ko, Ate Zahi—"




"It's okay, Peter." Putol ko rito dahil sanay na rin naman ako sa kambal niya lalo na't lagi ko na rin naman itong nakakasama rito sa bahay.




Nang umalis si September ay sila na ang lagi kong kasama rito. Hindi nila ako iniwan since then kahit na hindi ko naman sinasabi. Hindi ako nagreklamo because for some reasons, I need them... I need someone, lalo na kapag naiisip kong sumuko na. I need someone who can remind me na meron pa si September... na babalik pa siya.





"Sweet mo naman sa amin, Ate Zahi. Nag-abala ka pa pero thank you."




Tinanguan ko lang sila nang maibigay ko ang mga regalo ko para sa kanila. I'm not used to giving gifts... pero nagagawa ko iyon ngayon sa kanila, sa mga kaibigan ni September. I don't know, siguro dahil masyado na rin silang malapit sa akin.




"I miss September," Piper cried.




She's now drunk at dadalawa na lang kami ngayon ang nandito sa dining area. Lasing na rin iyong tatlo kaya nasa kwarto na sila ngayon at natutulog.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon