Kabanata 33

85.5K 3.2K 4.8K
                                    

***

September's POV









"W-wala na si Pam. She's dead, wala na siya, Ember. The doctor declared her dead on arrival. B-bakit? Bakit siya pa ang nawala? Bakit hindi iyong hayop na Lucas na 'yon ang nawala?! Fuck!"





"N-no, that's not true," napailing-iling ako nang marinig ko iyon galing kay Sweden.






He's crying at sobrang pula niya, nanggagalaiti sa galit na nararamdaman sa nangyayari ngayon. Everyone was crying. Lahat ay humahagulgol dahil sa sinabing iyon ni Sweden. 






Bumagsak ako sa sahig. Hindi ko inalintana iyong mga sugat at pasa kong nakuha ko kay Aldrich. "No! That's not true! N-no! B-bakit si Pam pa? B-bakit hindi na lang ako? A-ako dapat iyon, eh! A-ako dapat ang nawala. H-hindi! P-please no." Paulit-ulit kong sigaw habang humahagulgol. "Pam, n-no. P-please, wake up. D-don't leave me. H-huwag mo akong iwan, P-pam."





Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Pam habang patuloy na bumabaha ng luha ang aking mga mata. She's lying in the hospital bed, sobrang putla, wala ng buhay. Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. Hindi ko kayang tanggapin.





"Pam, gave me this. Ibigay ko raw sa 'yo kapag nawala siya. I'm sorry, I'm really sorry, Ember. H-hindi ko siya nailigtas, I'm sorry." Paulit-ulit na sambit ni Clarence nang pumunta siya sa akin habang nasa hospital ako.






Walang imik kong kinuha ang isang envelope na hawak niya. It was a letter from Pam. I cried again nang lumabas na si Clarence. Isang buwan na simula nang mawala siya. It's been a month but the pain is still fresh. Ang hirap, it feels so heavy. Dinudurog pa rin nang paulit-ulit ang puso ko. Araw-araw na tila lagi akong binabangungot, natatakot na rin akong patulog. I'm seeking professional help now pero tila wala iyong kwenta dahil pagkatapos ng session ko ay bumabalik lang din lahat.







Tila pasan ko ang buong mundo sa sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya sinubukan kong sumuko para mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pagod na pagod na ako, sobrang pagod na pagod na ako pero naisip ko sila mama, si Zahira, lalong-lalo na si Zeirah na hindi ko man lang nakasama, ni hindi ko man lang siya naalagaan. Ni hindi ko nagawang magpakaina sa kaniya. I don't want to leave her, I don't want to leave them. Sinusubukan kong kayanin lahat kahit paulit-ulit lang iyong sakit.






"Pam," I was crying while calling her name when I opened her letter. Hindi ko pa iyon nababasa pero sobrang sakit na.






Yo, Ember, my friend. For sure while you're reading this I'm not here anymore. Siguradong nasa masaya at tahimik na kalagayan na ako, kung saang walang nagpapahirap sa akin, kung saan hindi ko mararamdaman iyong sakit, iyong lungkot, at takot, kung saan malaya na ako.

Please, don't blame yourself sa anumang mangyayari sa akin. It's not your fault. Kung ano man ang maging dahilan ng pagkamatay ko it's not your fault dahil iyon ay ginusto kong mangyari. I'm already tired of my life at gusto ko nang magpahinga. I know it's hard. I know it hurts pero sana magawa mong magpatuloy. Promise me, that you'll never give up. You still have many dreams to fulfill, magiging CPA ka pa gaya ng babaeng mahal mo. Makakasama mo pa si Zahira, hindi ba't iyon ang pangarap mo? Ang makasama siya habang-buhay?



Si Ate Zahi, siya ang tumayong Ember ko noong nawala ka. Hindi lang ikaw ang pinahalagahan at minahal niya kundi kaming lahat ng mga kaibigan mo. Noong nawala ka siya ang nagsilbing Ember namin. Ganoon ka niya kamahal kaya please, don't leave her. I know how much you love her too, Ember. I hope you all find peace and happiness again after everything that will happen. Paalam, September, my friend.






Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon