Kabanata 14

79.1K 3K 3.9K
                                    

***







"Yes, you. You're my wife, September."





Hindi ko napigilang tumawa nang sobrang lakas. Tawang-tawa ako dahil sa sinabi ng kaharap kong dyosa ngayon. Asawa niya raw ako. Tangina, akala siguro niya ay lasing na ako.





"Hindi–" sa sobrang tawa ay hindi ko matuluy-tuloy ang gusto kong sabihin.





"Lasing na rin ba si Ma'am? Asawa niya raw si Ember." Si Kael iyong nagsalita.





"Nagbibiro ka lang, 'di ba? Paano mo ako naging asawa?" Natatawang tanong ko. "Ang pangalan ng asawa ko ay Zahira. Zahira Hernandez, iyong prof naming sobrang terror, akala mo naman kung sino. Gago 'yon, eh. Porket maganda siya at sexy ganoon na lang kung umasta. Tapos—" tinakpan ni Pam ang bumanganga ko pero nagpumiglas ako kaya agad ko rin natanggal ang kamay niya sa bibig ko. "Ano ba, Pam? H'wag mo ngang takpan ang bibig ko. Ikaw, may gusto ka ba sa asawa ko? Bakit mo siya ginawang taxi driver?"




"Hala, gago. Pinagsasasabi niyan?"





"Ikaw!" Turo ko sa dyosang kaharap ko. "Ganda mo, ah."





"Tangina," rinig kong sabay-sabay na mura no'ng apat. "Malala na talaga 'to."





"I know." Sambit naman ng kaharap ko at titig na titig lang sa akin.





"Jojowain!" Sigaw ko at tinaas ang bote ng alak saka diretsong uminom doon pero nakakailang lagok palang ako ay kinuha na iyon ng kaharap ko at nilayo niya iyon sa akin. Ngumuso ako.





"That's enough, Ember. You're drunk."





"I'm still sober. Tubig lang naman iyon," muli akong ngumuso. "Pakiss nga, secret lang natin." Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at aambang hahalikan na siya.





Sobrang init na ng pakiramdam ko. Sira ba ang aircon nila rito? Ang poor naman ng may-ari sa bar na 'to.





"I'll kiss you when you're sobber. Tara na, let's go home. Masyado nang madami ang nainom mo."





Umirap ako dahil hindi niya pinansin ang pagnguso ko. Mas malala pa ito kaysa kay Zahira. Si Zahira bigla na lang nangkikiss. Teka, si Zahira. Nasaan siya?





"Nakita niyo ba si Zahira? Gago, baka kasama na ni Sir Jacob 'yon." Hindi ko alam pero tila ako kinabahan sa naisip ko. Paano nga kapag magkasama na sila? Pero ano namang pakialam ko?





"She's just in front of you, Ember. Nasa harap mo lang si Ma'am Zahira. Gago 'to. Sana pala hindi na lang tayo nag-inom." Si Kael lang ang nagsasalita sa tatlong lalaki kong kaibigan.





Tumingin ako kila Peter at Sweden na tawang-tawa lang sa gilid, hawak nila ang kanilang cellphone na nakasentro sa akin. Vinivideo ba ako ng mga gagong 'to?





"Iuwi na natin si Ember. Baka kung ano pang lumabas sa bibig nito. Pam, ano?"





"Ma'am Zahi, we'll help you na lang sa pag-uwi kay Ember. Mukhang mahihirapan ka kapag hindi kami sumama." Si Pam iyon kaya tinignan ko siya at tinitigan nang masama.





"Teka nga, bakit ba si Ma'am Zahi ang mag-uuwi kay Ember? Nakakahiya." Si Kael iyon na tila kanina pa ata naguguluhan sa nangyayari. Ako rin ay naguguluhan na.





"Sumunod ka na lang, Kael."




"Sila ba talaga ni Ma'am Zahi at Ember? Hindi ito joke? Hindi lasing si Ma'am Zahira? Mag-asawa talaga sila? Teka nga. O baka ako iyong lasing—pero tangina, hindi pa nga ako tinatamaan." Ang ingay ni Kael, lalaki ba 'to?





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon