Kabanata 28

82.1K 2.6K 4K
                                    

***







Sobrang sakit ng ulo ko, ang bigat ng buong katawan ko, at nanghihina pa rin ako. I want to open my eyes but I can't. Hinayaan ko muna ang sarili ko at pinakiramdaman ang paligid kahit hindi ko ito nakikita.




"I'm afraid of what might happen when she wakes up. Paano kapag bumalik na ulit iyong ala-ala niya sa nakaraan niya? Hindi ko kakayanin, Sam. Hindi ko kakayaning makita siya ulit sa ganoong sitwasyon. Natatakot ako... natatakot ako sa pwedeng mangyari. I don't want to lose her again." Boses iyon ni mama, she's crying.




Tila may dumudurog sa puso ko. Masakit sa akin iyong isiping may tinatago sila sa akin pero mas masakit na naririnig ko si mama na umiiyak at nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.




"Paano kapag bumalik siya. Dalhin na lang kaya muna natin siya sa Italy—"




Sinong babalik?




"Chantal, please calm down. You're thinking too much. Let's just wait for her until she wakes up at siya ang magdesisyon sa kung anong gusto niyang mangyari. Let's just wait for her, okay?" I heard my dad's voice broke.




I swallowed hard when I felt tears run from my eyes. Hindi ko kayang nakikita silang ganito. Sobra akong nasasaktan. Si papa na never kong nasaksihang umiyak, ngayon ay umiiyak na sa harapan ko.




I bit the inner of my lower lip to stop myself from sobbing. Tila libu-libo ang karayom na tumutusok ngayon sa puso ko. I tried my best not to breakdown again, pinilit kong pigilan ang sarili kong huwag nang umiyak. Para kila mama at papa, I will pretend I didn't hear anything, na wala akong nalaman ngayong araw.





"M-ma, pa, bakit ako nandito?" I asked as I opened my eyes.





Siguro nga sa gagawin kong pagpapanggap sa harapan nila ay mabawasan kahit papaano iyong pag-aalala, lungkot, at sakit na nararamdaman nila. Kahit ako na lang iyong nags-suffer, huwag lang sila. At kahit gusto kong malaman lahat ng mga tinatago nila.





"S-September, anak," tawag sa akin ni mama at lumapit sa akin. She's crying as she held my hand tight.





"Ma, why are you crying? Mamamatay na po ba ako? May sakit ba ako?" I still managed to joke kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na ring umiyak nang umiyak gaya ni mama.





"Ember, huwag kang magbiro nang ganyan." Suway sa akin ni papa na ngayon ay pilit kumakalma pero kita ko ang pamumula ng mga mata niya.





"Ma, ano po bang nangyayari? And why am I even here?"




Tila tinutusok ang puso ko. Todo pigil ako sa luha ko. Hindi pwede, hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan kong mapanindigan ang pagpapaggap ko. For my parents.




"A-anak, wala ka bang..." umiling si mama, "w-wala bang masakit sa 'yo? Wala ka bang nararamdaman? A-anong nararamdaman mo?"




Pain.





"Ma, I'm okay. Please, stop crying. I'm okay, alright? Pa, pakalmahin mo nga si mama. Okay lang naman talaga ako, eh. Wala namang masakit sa akin."





Liar.





"A-are you sure, hija?" Si papa na tila nag-aalangan pa.





"Pa, pati ba naman kayo?" Napalunok ako, "si Zahira po? Where is she?" I tried my best not to stutter. "Si Zeirah po, kumusta siya? What happened to her? Okay na po ba siya ngayon?"





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon