Kabanata 29

73.8K 2.8K 5.8K
                                    

TRIGGER WARNING: Violence, abuse, sexual harrasment. Please be advised.


***





Ang sakit ng ulo at buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa dahil tila may nakahawak sa akin. Ang mga mata ko ay sobrang bigat pero pinilit ko itong minulat. As I opened my eyes, I realized that I'm not in my room. Walang nakahawakan sa akin kundi nakatali ang mga kamay at paa ko sa bed, my legs were spread, ganoon din ang mga kamay ko.


I started to scream for help pero tila walang nakakarinig sa akin, nagsimula na rin akong umiyak, patuloy akong nagpupumiglas pero nasasaktan lang ang mga kamay at paa ko dahil sa lubid na nakatali sa akin.


Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong kaide-ideya kung kaninong kwarto o bahay ito. Napalinga-linga ako. Sa side ng bed ko ay may isang table na may nakapatong na picture ng dalawang magkamukhang lalaki. Mas lalo akong nakaramdam ng takot at sakit sa dibdib.


Ang buong kwarto ay puno ng mga nakadikit na drawing, sketches, at mga paintings sa dingding. Hindi lang iyon basta drawing dahil kamukha ko o ako mismo iyong nakaukit doon.  Napalunok ako nang makita ang pinakamalaking painting, ako ang naroon, malaki ang tiyan ko na tila buntis, kasama ko ang isang lalaking nasa litrato katabi ng kamang kinahihigaan ko ngayon. Ang katabing drawing no'n ay ang nakahubad kong katawan.



Muli akong nagsisisigaw sa takot. I screamed at the top of my lungs at kahit nanghihina at masakit ang buong katawan ko ay pinilit kong magpumiglas. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang mapagod na ako. Napapikit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.


"You're awake."


Agad akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko inasahang mukha ni Aldrich ang makikita ko. Siya ang may pakana nito, siya ang nagdala sa akin dito.


"A-aldrich, anong ginagawa mo?" Hagulgol ko, hindi pa rin makapaniwala. "Please, let me go." Nanghihinang sambit ko.


He shook his head. "No, Ember. I can't let you go. Not anymore. You're mine. I'm just taking back what's mine. Sa akin ka." Matigas na sambit nito at ngumiti kaya kita na naman ang dimple niya.


Wala siyang ibang suot ngayon kundi ang itim na sweatpants. Kita ko ang peklat sa buong dibdib niya na tila nakuha niya sa kalmot at saksak.



"You don't remember me?" Tanong nito. "Sabagay, paano mo nga ba ako maaalala kung nagkaamnesia ka at nagbago na rin ako ng mukha at pangalan. Yes, this is not my real face, September. I changed my appearance just for you, para makuha ulit kita. Ang tagal kong hinintay itong pagkakataong ito at sa wakas ay nasa akin ka na ulit," he laughed. "Medyo napaaga nga, eh. Wala sa plano ko na ngayon ko gagawin ito pero narinig kong pupunta ka sa Italy kaya nagmadali na ako."



Iyak lang ako nang iyak. Wala na akong lakas para magpumiglas, wala na akong boses para sumigaw at humingi ng tulong. Sobrang sakit na ng ulo ko dala ng hangover at sa kaiisip kung anong nangyayari, kung bakit ito nangyayari, at kung ano iyong mga sinasabi ni Aldrich.


"Kumusta ang anak natin, September? Malaki na ba siya? Anong pangalan niya? Ni hindi ko man lang naranasang magpakatatay sa kaniya." Sunod-sunod na tanong niya.


Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Aldrich. Sobrang sikip na ng dibdib ko at parang hindi ko na kakayanin pa ang susunod niyang mga sasabihin.



"But that's okay. Siya ang isusunod kong kunin." Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya. "Magkakasama na rin tayong tatlo, mabubuo na rin tayo sa wakas."


Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon