Kabanata 34

100K 3.1K 5.2K
                                    

***







"Nasa cafeteria na kami. Where are you?"




Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room nang tumawag si Peter. Sasabay kasi ako sa kanilang maglunch dahil ayaw kong mag-isang kumain sa cafeteria.





"Pababa na ako," I said as I ended the call.





Matapos ang pamamalagi ko sa Italy at pagbalik ko rito sa Pilipinas ay muli kong tinuloy ang pag-aaral ko. Isang taon na lang ay gagraduate na ako. Sayang naman kung hindi ko itutuloy. Gusto ko ring makapagtapos, maging CPA kagaya ni Zahira. Masyado na siyang mataas, kung tutuusin nga ay nasa tuktok na siya ng pangarap niya samantalang ako ay nandito pa rin. Gusto ko ring maging proud siya sa akin, sa magiging achievements ko. Gusto ko ring may maabot ako.





"Bumili na kami ng pagkain mo. Kumain ka na," Kael said while giving me the spoon and fork.





"Thank you," I said as I opened my bottled water.





Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang mawala si Pam. I miss her so much. Walang araw na hindi ko siya namimiss at naiisip. There are times na umiiyak ako kapag naaalala ko siya, iyong mga nangyari. I can't say na I am completely healed sa mga sugat gawa ng mga nangyari sa nakaraan, hindi pa ako ganoon nakamove on. The wound is still there pero hindi na iyon ganoon kalalim, hindi na ganoon kasakit. Masakit pa pero kinakaya ko na.





"Start na pala ng internship ko sa makalawa." Pagbabalita ko sa mga barkada ko.




"Saan ka nadestino?"




I pursed my lips. "Hernandez Company."





"Aba! Oh, ba't parang hindi ka masaya? One of the biggest company 'yon dito sa Pilipinas, advantage mo na 'yon. Isa pa, ayaw mo no'n? Makakatrabaho mo si Ate Zahi. Ayaw mo ba siyang makita o makasama ro'n?" Peter asked.





I shook my head, "hindi naman sa ayaw ko siyang makatrabaho o makasama. Gusto ko kasing mag-internship sa wala sanang nakakakilala sa akin para walang special treatment kung sakali. Ayaw ko namang pumasa dahil si Zahira ang CEO ng company kung saan ako mag-iinternship. Baka mamaya hindi na ako bibigyan ng trabaho o hindi na ako pahihirapan—"






"Got your point pero nasa sa 'yo naman 'yan, Ember. Edi huwag mong sabihin kung anong koneksyon mo kay Zahira. Kapag nalaman nila pwede mo namang sabihing huwag kang bigyan ng special treatment. Dapat pahirapan ka nila ro'n, tipong magsisisi ka ba't ka pa nagpatuloy mag-aral—"





Hindi natuloy ni Kael ang sinasabi niya nang sapukin siya ni Sweden. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy kumain.





"Mas okay nga iyon kaysa naman doon ka sa company niyo madedestino, edi mas lalong makikilala ka roon." Peter said na sinang-ayunan ko.






Noong una nga ay akala ko roon ako madedestino pero mabuti na lang at hindi. Isa rin kasi sa pinakamalaking kompanya ang company ni papa rito sa Pilipinas.






"Ano 'yan?" I asked when I noticed that they are all staring at the screen of Sweden's phone.





"Wala—"





Kinuha ko ang cellphone niya at natahimik ako when I saw our picture. Dito sa cafeteria nakunan iyon. Kumpleto pa kaming lima. Nandoon si Pam na matamis ang ngiti na tila walang iniindang sakit, ja tila walang pinagdadaanan. Bago pa man ako maiyak ay binalik ko na ulit iyong cellphone ni Sweden at tahimik na kumain. Nakakamiss. Hindi ako sanay na wala siya rito, kasamang kumakain.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon