Kabanata 17

76.7K 2.9K 2.8K
                                    

***








"Ember? What are you doing here?"





Bago nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Aldrich ay nilagok ko muna ang alak sa baso ko. Nandito ako ngayon sa bar nila Peter, dito sa Ace Bar. Madami ng tao ngayon dito, nag-iinom, karamihan ay may mga kasama sa table samantalang ako ay narito at mag-isa, nakaupo sa barstool.





"Where are your friends?" Muling tanong sa akin ni Aldrich, binaba ang hawak na tray dahil kagagaling lang nito sa isang table para ibigay ang order nilang alak.





Umiling ako, "don't tell them that I'm here. Pumunta lang ako rito para makapag-isip-isip."





"Really?" He laughed, "dito pa talaga sa bar, kung saan magulo at madaming tao?"





Hindi ako umimik.





"Are you okay? May nangyari ba?" Tila nag-aalalang tanong nito.





Muli ay umiling ako. "Gusto ko lang mag-inom." Sambit ko at muling kinargahan ng alak ang baso ko.





Nang matapos ang klase ko kanina ay dumiretso ako sa coffee shop, nakailang kape rin ako roon pero tila hindi mapakali ang isipan ko kaya pumunta na ako rito. Ayaw kong umuwi, ayaw kong makita si Zahira sa bahay, kung sakaling umuwi nga siya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.





Sa nakita ko kanina ay parang hindi ko kayang harapin sila Zahira at Pam. May part sa akin na nag-aalala ako para kay Pam pero hindi mawawala iyong inis o tampo ko sa kaniya. Bakit si Zahira ang nandoon? Ako iyong kaibigan niya, bakit ni hindi man lang niya nasabi na nasa hospital siya at kung anong rason ba't siya naroon? Ayaw kong mag-isip ng kung ano tungkol sa kanila ni Zahira pero hindi ko maiwasan.





Nakuyom ko ang dalawang kamay ko at muling naglagay ng alak sa baso, walang alinlangan iyong ininom. Parang wala na nga sa akin iyong pait na lasa no'n.





"Nabalitaan ko iyong nangyari sa 'yo sa school, iyong ginawa ni Clarence, at ng girlfriend niya. Is that or is he the reason why you are here?"





"No," agad na sagot ko, "bakit naman si Clarence ang magiging dahilan ng pagpunta ko rito? I don't even like him." Tila nandidiring saad ko.




"So may ibang dahilan?" Sambit niya at magsasalita pa sana nang may tumawag sa kaniyang customer, "wait lang," kamot nito sa ulo. "Please, don't drink too much alcohol, Ember. Wala kang kasama." Pagpapaalala nito saka na umalis.





Hindi ko pa man nakakalahati itong inorder kong isang bote ng tequila ay parang tinatamaan na ako kaya tumigil muna ako. Tinignan ko ang mga taong narito, iyong iba ay nasa harapan na at sumasayaw, iyong iba naman ay nagpapakabusog sa alak at kwentuhan. Sobrang lakas ng music, halos nakakabulag na iba't ibang kulay, at amoy ng alak at sigarilyo, halo-halo na kaya siguro ramdam ko na rin ang pagkahilo.






"Kanina pa nagriring ang cellphone mo, hindi mo ba sasagutin 'yang tumatawag?" Tanong sa akin ni Aldrich nang makabalik siya.





Tinignan ko ang screen ng cellphone ko. It's Zahira. Tanging number lang ang nakalagay roon pero alam kong siya iyon dahil alam ko ang huling number niya. Ayaw kong isave sa contacts ko at baka makita ng iba, tulad ngayon. Baka nalaman na ni Aldrich na si Zahira ang tumatawag sa akin.





"Hayaan mo." Sambit ko at tuluyan ng pinatay ang cellphone ko saka nilagay sa bag ko.





"I'll call Sir Peter para masamahan ka niya rito o 'di kaya'y maiuwi ka na niya." Aldrich said at nilabas na niya ang cellphone niya na agad kong inagaw.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon