Kabanata 38

90.2K 2.6K 4.2K
                                    

TW: Gunshots, violence.

***









"T-tama na! P-please, tama na!" Paulit-ulit na sigaw ko habang humahagulgol takip ang aking tenga.





Lahat ng mga tao ngayon dito ay nagsisilapitan na sa akin. Todo ang pag-alalay sa akin ng mga co-interns ko pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Hagulgol lang ako nang hagulgol habang tinatakpan ko ang mga tenga ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Takot na takot ako na halos ayaw ko nang magpahawak sa kahit na sinong nandito.





"Ember!" May narinig akong pamilyar na boses pero hindi ako lumingon.






"T-tama na! P-please, tama na! A-ayaw ko na!" Sigaw kong muli, lumalayo ako sa mga tao pero may yumakap sa akin. Nakapikit lang ako kaya hindi ko alam kung sino 'yon.






"Shh, Ember, we're here, okay. You are safe. Kasama mo na kami. Nandito lang kami, okay? Shh, tahan na."





Agad akong napahawak sa braso ni Sweden nang mapag-alaman kong siya iyon. Hinayaan kong yakapin niya ako. Ni hindi ko na inisip kung paano siya nakapasok dito, kung bakit nandito agad siya






"You are safe, okay? Promise, hindi ka namin iiwan. Hindi kami papayag na may mangyari sa 'yo, na makakalapit pa siya sa 'yo." Sweden caressed my back at unti-unti na akong kumakalma.





Tinulungan ako ni Sweden na makatayo habang humihikbi pa rin ako. Kita ko ang pag-aalala ng lahat ng mga taong nandito, ang ilan ay nagtataka sa inasal ko, sa kung anong nangyari. Dumating din si Allan na ngayon ay inaalalayan na rin ako hanggang sa makarating kami sa office ni Zahira.





"Shh, tahan na. Hindi ka na ulit magagalaw ni Aldrich o ni Lucas, nandito na kami." He gently said, inayos nito ang buhok ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang kaniyang panyo.





"Ember."






Habang humihikbi ay napatingin ako sa tumawag sa akin. Sila Piper, Kael, at Peter ay dumating na rin. Nag-aalala silang lumapit sa akin.






Mas lalo akong napaiyak dahil sa pag-aalala nila, kung paano sila mag-alala. Naalala ko si Pam, iyong nangyari sa kaniya. Ayaw kong maulit ulit iyon, ayaw kong may isa pang mawala sa kanila, sa mga kaibigan ko nang dahil lang sa akin. Hindi ko na kaya. Hindi ko kakayanin.





"Shh, stop crying. We're here na, Ember. We're not going to leave you, okay?"





"Hinding-hindi na siya makakalapit pa sa 'yo, pangako namin 'yan."






They all hugged me, caressing my back while I'm still crying. Hinawakan ni Piper ang kamay kong nanginginig kaya medyo kumalma iyon. Napapikit ako, pinilit kong huminga nang malalim gaya nang lagi kong ginagawa noon noong nasa Italy ako. Pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak pero may ilang luha pa rin ang tumatakas mula sa mga mata ko.





That day, hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Nasa office lang kami ni Zahira. Tinulungan nila akong kumalma at tanggalin iyong takot na nararamdaman ko. Kung ano-anong ginawa nila para lang mapatawa ako at tanggalin sa isipan ko iyong balitang narinig ko kanina.





Akala ko okay na ako pero hindi pa rin talaga. Marinig ko palang ang pangalan niya ay tila bumabalik na lahat ng trauma, ng mga nangyari noon, iyong mga ginawa niya sa akin, sa pagpatay niya kay Pam. Iyong trauma at sakit, ramdam na ramdam ko na naman.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon