Kabanata 5

79.4K 2.8K 3.2K
                                    

***









"Tangina, seryoso? Kailan pa? Kaya pala pareho kayong puyat kagabi."





"Gago," mura ko sa kaniya.




Ginulo ko ang buhok ko na tila nawawalan na ng pasensya. Hindi ko alam kung tama ba itong pagsabi ko kay Pam ang tungkol sa amin ni Zahira. Hindi na tuloy siya matigil sa kakatanong nang makwento ko iyon sa kaniya.






"Last year lang at hindi ko na rin maalala." Sagot ko sa tanong niya. "Mapunta nga ako sa 'yo. Anong problema at humahagulgol ka roon sa harap ng convenience store? Anong nangyari?"






Natigil siya. Halata pa rin sa mata niya ang pag-iyak niya kanina pero tila hindi na ganoon kabigat iyong nararamdaman niya.





"Wala. Okay na ako ngayon. Pagod lang siguro sa dami ng iniisip. Hindi rin kasi ako magpagfocus magreview sa bahay, masyadong magulo." Sagot nito.





"Sigurado ka? Ngayon ba ay makakapagfocus ka na sa pagrereview?" Muling tanong ko at tinignan ang orasan ng phone ko.





Alas onse na pala. Kahit papaano'y naireview na namin iyong iba noong nakaraang araw sa library, iyong mga subjects na ieexam bukas kaya onting review na lang din ang gagawin namin.





"Teka, kumain ka na ba? Ni hindi ka pa nakakapagpalit." Pansin ko sa suot niya.






"Sumaglit lang ako kanina sa bahay, umalis din agad nang madatnan ko ang sitwasyon doon."





"Maligo ka na muna. Gamitin mo na lang muna iyong damit ko, mamili ka na lang sa closet kung anong gusto mong isuot, may bago ring toothbrush and underwear sa drawer. Tapos after mo ay bumaba ka na lang para makakain ka before tayo magreview."




"Thank you, Ember."




"You're welcome, Pam. I'm just here, okay?" Seryosong sambit ko at marahan siyang tinapik sa balikat.





Nang bumaba ako para sana ipainit iyong pagkain ni Pam ay nadatnan ko si Zahira roon sa kusina. Nagtitimpla siya ngayon ng kape. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako napansin.





Nakamessy bun ngayon ang buhok niya kaya kitang-kita ko ang buong likod niya lalo na't nakasuot siya ngayon ng satin cami night dress, ang kinis. Bakit ba ang sexy niya? Kahit sino talaga ay maaakit sa kaniya, sa bawat galaw niya, lalo na sa katawan niya.





"Is she okay?"




"H-ha?" Natigil ako sa pagtitig sa direksyon niya nang marinig ko na siyang magsalita. Matagal na ba akong nakatitig sa kaniya? Nakita niya ba?





"Is your friend okay?"




"A-ah, yes she's okay now... I guess?" Utal na sagot ko at tila wala pa sa kasalukuyan ang sarili ko.





"Hindi pa kayo matutulog?" She asked coldly. Kasalukuyan niya ngayong inaayos iyong mga ginamit niya.





"Magrereview pa kami," sambit ko at binuksan na ang fridge para kunin iyong ipapainit kong pagkain ni Pam. "Ikaw? Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko.





"I still have work to do so," she shrugged her shoulders at aalis na sana nang muli akong magsalita.






"Ayos lang ba sa 'yo na nalaman ni Pam ang about sa atin? S-sure naman akong hindi niya sasabihin sa iba."





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon