Kabanata 7

74.8K 2.6K 1.1K
                                    

***







"Ember, can we talk?"



Lalabas na sana ako ng room namin nang tawagin ako ni Clarence. Nang lingunin ko siya ay pinagpapawisan ito at tila kinakabahan at nahihiya, napakamot din siya sa sentido niya.



"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.



Ikalawang araw na ngayon na absent si Pamela kaya wala akong ibang kasama. Simula kahapon ay hindi pa siya nagmemessage sa akin, ni hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya iniisip kong puntahan na siya ngayon ang kaso ay hindi ko pa nakukuha ang sddress niya.



"Sus, si Clarence dumadamoves. Porket wala si Pam na laging kasama ni Ember." Kantyaw ng isa naming kaklaseng lalaki.



Hindi ko iyon pinansin at muling tinanong si Clarence ng seryoso, "anong pag-uusapan natin?"



Magsasalita na sana si Clarence nang bigla siyang tawagin ni Zahira na hindi pa pala nakakaalis simula kanina. Mukhang inayos pa ang mga gamit.



"Mr. Bora, can you help me with my things?"



"Uy, gagi!" Rinig kong sambit ng kaklase kong laging nag-i-insist tulungan si Zahira pero lagi ring narereject.



Nagulat ang lahat dahil doon, maging ako ay hindi ko iyon inasahan. Sa lahat ng pwede niyang tawagin si Clarence pa, at bakit ngayon lang niya 'yon ginawa?



"Y-yes, ma'am. S-sure po." Walang nagawa si Clarence kundi tulungan si Zahira. Ni hindi na niya rin ako pinansin dahil siguro sa takot niya.



Pinilig ko ang ulo ko dahil bago sa akin iyong ginawa ni Zahira pero kalauna'y hinayaan ko na lang.



Dumiretso ako sa canteen para makapaglunch na. Muli ko ring tinawagan si Pam habang kumakain pero ganoon pa rin at walang sumasagot. Ni hindi ko rin siya tinigilang i-message.



"Ember."



Natigil ako sa pagdial sa number ni Pam at tumingala. Si Clarence na ngayon ay may hawak ng tray ng pagkain. Ganoon pa rin ang itsura nito, kinakabahan na tila nahihiya.



"Bakit?"



"Uh," hindi nito matuluy-tuloy ang sinasabi niya.



"Kumain ka na muna nang may lakas kang magsabi ng gusto mong sabihin." Turan ko at muling kumain. "Anyway, alam mo ba kung saan nakatira si Pam?"



"Si Pam? I'm not sure. Pero parang nabanggit niya dati," sabi nito at sinabi ang address ni Pam. "Pupuntahan mo siya? I'll go with you."



Ilang segundo akong nag-isip kung magpapasama ba ako sa kaniya o hindi pero dahil nga siya ang nakakaalam sa address ni Pam ay pumayag na lang ako. "Okay, after our last subject puntahan natin siya."



Alas tres nang matapos ang huling subject namin. Gumayak agad kami ni Clarence para hindi kami gabihin. Mabuti na lang at may sasakyan siya kaya hindi kami mahihirapan.



"Hindi pa ba nagmemessage sa 'yo si Pam?" Tanong ni Clarence habang nagddrive siya.



Umiling ako, "hindi, kaya nag-aalala na ako sa kaniya."



Ramdam ko ang pagsulyap sulyap sa akin ni Clarence kaya medyo nababahala ako. Hindi ko alam kung tamang nagpasama ako sa kaniya.



"Can you please focus on the road, Rence? Kanina ka pa kasi sumusulyap. Kung may sasabihin ka pwede mo naman nang sabihin ngayon." Sambit ko, pilit tinatago ang inis na nararamdaman.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon