Chapter 8 Prince

50 5 0
                                    

/Prim's pov/

"MAG-TEA ka muna. Wag munang intindihin yon.." hindi ko namalayan na naipaghanda na pala niya ako ng maiinom.

"S-salamat Tangent."

"May tanong ako.."

"Ano yon?"

"Napansin ko lang na mukhang komportable ka nang kasama si Trojan.. kayo bang dalawa.."

Namula ako nang mahinto siya na wari'y nag-alangan sa sasabihin.

"Ah, ano.. kami?" balik ko, "Uhm kasi palagi ko siyang kasama kaya, unti-unti nasasanay na rin ako sa presensya na." Paliwanag ko, "At hindi ako gano'n kakomportable tulad ng inaakala mo." Diin ko sabay ngiwi.

Tumangu-tango siya.

"Sa'kin, komportable ka rin ba?" Seryoso niyang tanong.

"Ah.." maang ako sakanya, "S-syempre naman. Hindi ko makakalimutan 'yong pagprotekta mo sa'kin nong tangkain akong atakihin ni Indigo."

"Gusto ko lang malaman mo na hindi niya 'yon sinasadya. Nasugatan ka, kaya natriggered kaming lahat." balik niya, "Kaya ingatan mo ang sarili mo habang narito ka dahil vampires ang kasama mo."

"Hmm, tatandaan ko yan. Salamat." higop ko sa tea.

"Naniniwala ka ba sa fairy tales?"

"Fairy tales?" kunot noo ko.

"I believe in them."

Natawa ako, "Hindi ko alam na hopeless romantic ka pala.."

"I'm a vampire and I can make my own fairytale.." tumitig siya sakin ng makahulugan, "Gusto mo bang maging prinsesa ko?"

Dahil sakanya ako nakatingin aksidenteng natumba ang cup ng tea dahil di ko yun naipatong ng maayos sa plate.

Awtomatiko akong napatayo.

"S-sorry!"

"Napaso ka ba?" maagap niyang dalo na inayos ang cup at chineck ako.

"A-ayos lang, di naman gano'n kainit yon eh.." paniguro ko.

Kinuha niya ang phone at may tinawagan. Saglit pa may kumatok na sa pintuan. Dalawang tauhan ang dumating. Ang isa ay nilinis ang tea set at isa naman ay may dalang box.

Kinuha niya ang box at ipinatong sa table sa harap ko.

"Buksan mo.." sabi niya nang makaalis na ang mga tauhan.

"O-okay.."

Namangha ako nang makita ng isang napakagandang damit. Pinulot ko yon at itinaas sa ere.

"Wow.." react ko.

Naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa kamay ko. Ibinaba niya yon ng bahagya para makita ako. Nasa pagitan namin ang damit.

"Alam kong marami nang naibigay sa'yo si Ross, pero masyadong daring ang tipo niya. Mas bagay sa'yo ang ganito." tukoy niya ron, "Dahil sa cafe na ito, ikaw ang prinsesa."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now