Chapter 16 Answer

43 6 0
                                    

MAS naging awkward ang pakiramdam ko nang makabalik ako sa Cafe. Hindi ko na alam kung paano pa sila pakikitunguhan.

"Goodmorning, Lady Prim.." maamong bati sakin ni Tangent, "Mas gumanda ang araw ko dahil nakita na kita.."

"G-goodmorning."

"Pero bakit parang matamlay ka yata?"

"W-wala ito." ngiwi ko, "Uhm.. ano.. pwede ba kitang makausap sandali?"

"About what?" magiliw niyang ngiti.

Niyaya ko naman siyang maupo sa garden sa labas.

"Gusto mo ba na magpahanda ako ng tea?"

"Hindi na, Salamat."

"May problema ba? Mukhang tensionado ka.."

Nagdalawang isip akong magsalita pero kailangang kong marinig ang sagot mula mismo sakanya kaya nilakasan ko na ang loob ko.

"P-pumatay ka na ba ng tao?"

"Yeah.." diretsa niyang sagot.

"M-may dahilan ba o gusto mo lang?"

"Depende." Halatang natutuwa ito sakanya.

"Paanong depende?"

"I'm a vampire Prim. I don't hate humans but I don't like them either. And I'd be lying kung sasabihin kong hindi ko gusto ang dugo na dumadaloy sa loob ng katawan nyo, apart from that, wala na akong pakialam. As long as, I'm not in the mood to do it then, walang buhay na mawawala."

"Ako ba? K-kaya mo rin ba akong patayin?"

Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga braso.

"Kung bibigyan mo ako ng dahilan para patayin ka, bakit hindi?" Amused pa rin niyang sagot.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at umikot papunta sa likuran ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa batok ko.

"Lady Prim, alam mo bang isa sa pinakamasarap na pakiramdam para sa isang vampire, ang pumatay?"

Napalunok ako sa bulong niya.

"Yong ganito nga lang na wala ka pang sugat, nakakaakit ka na. Paano pa kaya kapag binutas ko ang leeg mo?" hawi niya sa buhok ko.

Napatayo naman ako para lumayo.

"Easy ka lang." ngiti niya, "Wala naman akong balak kagatin ka. I just answered your question."



ILANG sandali matapos kaming mag-usap ay di ko natiis ang obserbahan siya. Hindi ako makapaniwala sa naging sagot nito dahil wala iyon sa itsura niya.

"Prim.. sinong tinataguan mo dyan?"

"R-Ross.." gulat kong lingon.

Sumilip siya sa labas at nakita si Tangent na nakaupo ron.

"Are you stalking him?"

"H-huh? Hindi 'no! M-magkausap lang kami kanina, sinilip ko lang siya kasi.. akala ko kasunod ko siya." palusot ko.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ko.

"Where the hell did you get that dress from?" puna niya.

"Ah," nascan ko ang sarili, "Luma kong damit.."

"Didn't I gave you decent dresses?" Iling nito, "Bakit hindi mo pa itapon yan?"

"Ross, kaya mo rin ba akong patayin?" lakas loob kung tanong.

Inilapit niya ang mukha sa'kin at chineck ang temperature ko.

"You're not even sick pero bakit ganyan ang tanong mo?"

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now