Chapter 11 Doubt

44 8 0
                                    

Prim's pov

     "BAKIT ba puro chocolate ang katawan ko?"

"S-sorry, kasalanan ko." sagot ni Trojan sa tanong  ko. "Alam ko namang hindi mo gugustuhin na abutan ka ng butlers sa ganong sitwasyon. Ayoko ring mapahiya ka kaya nataranta ako.."

Pinamulahan ako ng mukha sa paliwanag niya, "Salamat ulit sa pagsagip mo sakin."

Nakalubog na ako sa bathtub para maligo. At, oo kasama ko si Trojan sa loob ng banyo dahil pinakiusapan ko siya. Nakatalikod siya sakin at nakaharap sa pinto. Sa totoo lang, mas kampante ako  kapag nakabantay siya sakin.

Naipaliwanag na niya ang nangyari kanina. Nahipnotismo ako ni Clev at inutusang maghubad. Nakakahiyang isipin pero mabuti na lang at hindi ko na naaalala ang part na yon.

Maswerte ako na dumating na naman si Trojan on time, kung hindi baka kung ano pang pinagawa sakin ng pervert na si Clev.

Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo sa gilid ng tub.

"Trojan.." tawag ko sakanya.

"Hmm.."

"N-nakita mo rin ba?"

"Ang alin?"

"Uhmm.. yong  ano.."

"Wala akong nakita."

"Sigurado ka?"

"Ano bang makikita ko dyan?"

"W-wala.." namula ako at napayakap sa sarili.

"Nakatingin ako sa mga mata mo, kaya hindi mo kailangang mailang sakin.."

Napakagat-labi ako, "Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon?"

"Ano?"

"Sana ikaw nalang ang nakakita ng nakita ni Clev.."

Katahimikan.

"Pasensiya ka na kung nalate ako ng dating." basag niya, "Alam kong galit ka sakin kayaㅡ

ㅡAng importante dumating ka. Saka hindi naman ako galit sayo eh, naiinis lang ako."

"Basta mag-iingat ka kay Clev sa susunod."

"Oo, alam ko na yan."

Sandali pang katahimikan.

"Trojan.." tawag ko ulit.

This time nilingon ko na siya.

"Bakit?"

Dahan-dahan akong umahon sa tubig.

"Prim?" ulit niya nang hindi ako sumagot.

Lumakad ako papunta sakanya saka siya kinalabit.  Nang hindi siya lumingon ay yumakap ako sakanya mula sa likod saka ibinaon ang mukha ko ron.

Napabuntung-hininga siya. "Umiyak ka lang kung gusto mo.."

Pagkasabi niya non napahigpit lalo ang hawak ko sakanya at nag-umpisa na akong humikbi. Humagulhol na ako sa likuran niya. Nakaramdam ako ng matinding depresyon sa nangyari at labis ang papasalamat dahil nandon siya para sakin.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now