Chapter 19 Tension

73 9 0
                                    

PAGLABAS ni Empire ay agad niyang ipinatawag ang mga tauhan ng mansion.

"Isang beses ko lang itong tatanungin!" panimula niya, "Kapag walang umamin sa inyo. Lahat kayo mananagot sa'kin!"

Nagbulungan ang mga ito.

"Sino sa inyo ang naglagay nito sa kwarto ni Lady Prim?" taas niya sa isang ballpen.

Nagtatakang nagpalitan ng tingin ang mga tauhan niya.

"This is a spy camera."

Ilang saglit pa ang lumipas at nanginginig na nagtaas ng kamay ang isa sa maid.

"M-master Empire. Ako po." amin nito.

Nanlilisik ang mata niya nang lapitan ito. Pinahaba niya ang kuko at iniumang sa leeg nito.

"Sinong nag-utos sa'yo na ilagay ito don?"

"P-patawarin nyo po ako Master, n-natakot lang po ako sa banta ni Lady Litisha. Papatayin nya raw po ako pag hindi ko nagawa."

"Kailan mo nilagay yon?"

"K-kagabi pa po.." tugon nito, "Bago po umalis ng mansion si Lady Litisha nagkasalubong po kami. Tapos inutusan niya po akong gawin yon."

"That Lady.." asar ko.

"M-master wag nyo po akong alisin sa trabaho, n-natakot lang po talaga ako sakanya. Sasabihin ko naman po sana sa inyo kanina kaya lang kasama nyo pa po si Lady Prim.." yuko nito.

"Master Empire, naniniwala po ako kay Tala, matagal na po siya dito sa mansion. Baka naman po pwedeng bigyan nyo pa siya ng isang pagkakataon?" lapit ng isa pa sa maid.

Napabuntong hininga siya.

"Sige, pagbibigyan kita. Pero sa susunod na may gagawin ka nang walang permiso ko alam mo na ang mangyayari sa'yo." banta ng binata.

"O-opo, master! Salamat po!!" yuko nito at napaiyak na.

"Kayong lahat! Magsibalik na kayo sa pwesto nyo!" asik niya.

"Empire anong nangyayari?" lumitaw si Indigo na hinabol ng tingin ang mga tauhan niya.

"Si Litisha.."

"Ang akala ko ba tapos na ang problema mo sakanya?"

"Nagpalagay siya ng camera sa kwarto ni Prim."

"Wow.." mangha ang ikalawa, "Naisip pa niyang gawin yon?"

"Palagay ko balak niyang gamitin yon para ipush ang marriage namin."

"Nagresist ba sa'yo si Prim?"

"Magdamag na tulog si Prim, kung may narecord mang eksena yun ay ang pagpasok ni Trojan kanina at pag-uusap naming dalawa pagkagaling sa garden."

"Pagpasok ni Trojan?" nag-isip si Indigo, "Ang sabi mo may gusto siya kay Prim. Paano kung may ginawa pala siya?"

"Imposibleng may gawin siya."

"Oo, kilala natin siya pero lalaki pa rin si Trojan, who knows kung anong kaya niyang gawin pag nagkagusto siya sa babae?"

Natahimik si Empire.

"Icheck mo." inabot niya rito ang ballpen.

Tinanggap niya yon.

"San ka pupunta?"

"Kailangan kong kausapin ang babaeng yon." walang lingon likod nitong sabi, "Ikaw na ang bahala kay Prim."

"Ihahatid ko na ba siya sa Cafe?"

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now