Chapter 36 Arena

26 3 0
                                    

   "GOOD evening ladies and gentlemen.." natigilan sina Gunther nang lumitaw mula sa backstage si Blair.

Kakatapos lang nilang iclose ang auction at iwi-welcome palang sana ang anonymous guest-na hindi nila inaasahan kung sino.

"I'm glad to see all of you here being part of this meaningful event." dagdag nito.

"Sinong mag-aakala niya siya pala ang pinakaimportanteng guest?" si Tangent.

"I don't feel good about this.."

"Same here." tango niya, "Sa tindig at pananamit niya mukhang hindi simple ang pagkatao niya. Imagine a Vampire Hunter in a supposedly Vampire Party?"

"Exactly.." krus ng braso ni Ross, "But it's business as usual."

"I want to thank you for accepting the invitation. And I am here to send my uncle's grattitude para sa success ng event na ito." patuloy na speech nang nasa harapan.

"Oh, so pamangkin siya ng CEO?"

"Before we end this party I'd like to propose a game.." nagkatinginan kaming dalawa.

"Naisahan tayo.." alertong bulong ni Tangent. 

"Sa isa sa room ng building na ito ay naghihintay ang isang malaking surpresa para sa gabing ito." biglang bumukas ang projector at lumitaw ang walang malay na imahe ni Prim.

Pare-pareho kaming nashock nang makita siya. Nakahiga ito sa isang kama na puno ng bulaklak.

"Siguro naman aware ang lahat tungkol sa Muse ng Empire's Cafe."

Umugong ang bulungan.

Gunther's pov

"BLAIR?!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat.

Napatutok din ang mata niya sakin ngunit ngisi lang isinagot niya. Pinalibutan agad kami ng mga tauhan niya na nakakalat pala sa buong venue.

"Id like to present to you, the Empire's Cafe Butlers. As you all know sila ang host ng Party at ang naghanda ng munting kasiyahan na ito para sa ating lahat." announce niya nang tumapat sa amin ang spotlight.

Nagpapalakpakan ang mga guest na halatang mali ang pagkakaintindi sa mga eksena.

"Nakita nyo naman, handang-handa na sila para sa larong ito." ngisi pa niya.

Nilingon ko sina Clev at Ross subalit pati sila ay napalibutan na rin.

"Simple lang naman ang rules natin dito. Mag-uunahan lang ang mga gustong sumali papunta sa hidden room kung nasan ang muse." dagdag pa ng g*go.

"Rareclass ba siya?" tanong ng isa sa mga bisita.

"Nope, but she's a First Class. She's 18 and a virgin." he smugged, "I'm sure madalang na ang katulad niya."

Sa sinabi niyang yon nabuhay ang interes ng ilang kalalakihan at tuluyan nang nawala ang atensyon nila samin. Wala pang kasiguruhan kung siya rin ang may hawak kay Trojan kaya kahit gusto kong baliin ang leeg niya ay hindi ako maaaring magpadalus-dalos.

Nilingon ko si Empire at naintindihan naman niya ang senyas ko. Sabay kaming tumalon sa pwesto nina Tangent.

"Unfortunately, hindi siya nainformed na pag-aari na ni Trojan ang muse." bulong nito sa likuran ko.

Napikon ako dahil ginamit pa niya ang bagay na yon bilang motivation sa mga guest. Hindi namin nahulaan na isasangkalang niya ang muse sa ganitong paraan.

"Syempre hindi magiging madali ang pagkuha sa trophy. Dahil kailangan ninyong harapin ang mga Butlers.." patuloy niya.

Pagkasabi non ay naglingunang muli sa'min ang mga bisita.

Vampire's Menu [ Unedited ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu