Chapter 21 Decision

40 6 0
                                    

Trojan's pov

"TROJAN, anong nangyari?"

"Hindi mo na magagamit ang kwartong yan. Dahil nagquit na si Clev."

"Huh?" mangha siya, "S-seryoso ka ba?"

"Ngayon papapiliin kita, kung kaninong kwarto ang gusto mo.. sa mga natitirang butlers?"

"T-tuloy pa rin?"

"Oo.."

"Pero kung nagquit na si Clev, hindi ba talaga non mababago ang roulette? Ano bang sabi ni Gunther?"

"Kinausap ko na siya. Ayaw niyang pumayag."

Nalungkot siya.

"Kay Empire, Ross, Tangent, o Indigo? Kaninong kwarto ang gusto mo? Nakilala mo na sila, madali na lang sa'yo ang pumili."

"Wala na si Clev, hindi ba akong pwedeng umalis na lang? Kumpara sakanya, hindi naman siguro gagawin ng iba ang ginawa niya. Hindi sila papatay ng ibang tao nang dahil sa'kin."

"Mali ka, kaya rin nilang gawin yon."

"Pero.."

"Pumili ka na lang."

"Si Empire." diretsa niyang sabi.

Natigilan ako nang sabihin niya yon nang walang pag-alinlangan. Halatang magaan ang loob niya rito.

"Ihahatid na kita sa kwarto niya." iwas ko ng tingin.

"Ang mga gamit ko?"

"Kayang palitan ni Empire lahat ng yon."

"T-teka ang ibig mong sabihin wala na yong mga gamit ko?"

"Nakalock na ang kwarto. May nakita ka bang gamit mo sa labas? Malamang wala na yon."

"Ganon lang kadali sa inyo na gawin yon?"

"Prim, hindi ordinaryong vampires ang mga kasama mo. They can afford and give you anything."

"Hindi ako makapaniwala."

"Matagal ka na rito pero kung umakto ka parang bago lang sa'yo ang lahat."

Habang naglalakad nakasalubong namin si Indigo.

"Hi.." nakangiting bati nito.

"Hello.."

"Kamusta ang sprain mo?"

"Ah, okay na. Hindi na siya gaanong masakit."

"That's good."

"Ikaw, magaling na ba ang sugat mo?"

"Sa totoo lang hindi pa pero hindi naman problema yon. You don't have to worry."

"Totoo pa lang delikado ang Silver bullet sa inyo."

Hindi umiimik si Trojan.

"Yeah it's something that we Vampires can't tolerate. Anyway, may gagawin pa ako. Marami tayong VIP ngayong gabi. See you later.."

Nilagpasan na niya kami.

"Bakit ganon? Hindi pa rin gumagaling ang sugat niya? " tanong ko kay Trojan.

"Ilang araw na siyang hindi umiinom ng dugo. Normal lang na manghina siya."

"Dahil sa roulette?"

"Mismo."

"Nagtitiis sila para lang sa larong yon?"

"Hindi na lang yon laro para sakanila. Naging tradisyon na rin yon ng Cafe. Isa pa hindi na lang ang ownership ang pinaglalabanan nila pati na rin ang ego nila bilang vampires."

Vampire's Menu [ Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon