Chapter 34 Threat

34 5 0
                                    

Trojan's Pov

  PAMILYAR na amoy ang sumalubong sakin sa pagpasok ko sa Cafe. Sarado ang Dining Hall at tahimik na ang paligid. Kaya maingat kong tinahak ang pasilyo papunta sa kwarto ni Prim. Gusto ko sana siyang makita bago ako magpahinga pero pinigil ko na ang sarili kong kumatok para hindi na siya maistorbo.

Sinundan ko nalang ang amoy kung saan yon nagmula. Humantong ako sa dulo ng pasilyo at nang buksan ko ang pinto ay di ko napigil ang ngumiti nang makita si Purple na mahimbing na natutulog ron.

Kaswal akong pumasok sa loob at nilapitan ito. Hindi ito nagising nang marahan kong ipet. Mukhang napagod ito sa maghapon paglalaro. Nang muli akong tumayo ay nahagip ng mata ko ang isa pang mahimbing na natutulog sa carpet.

"Prim?" sambit ko nang lapitan siya at pinagmasdan, "At bakit dito natutulog ang mahal ko?" natatawa kong hawi sa buhok na tumabon sa mukha niya.

Natigilan ako nang makita kung gaano kaaliwalas ang expression niya. Umayos ako ng pwesto at dumapa sa carpet habang nakatuon ang isa kong kamay sa panga ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sakabila ng kalmado niyang paghinga, alam kong maraming gumugulo sa isip niya at nababalot ng takot ang dibdib niya.

Ipinatong ang isa kong kamay sa nakahiga niya palad at pinisil yon. Bumukas ang mga mata niya nang kintalan ko yon ng halik.

"Trojan.." angat niya ng ulo.

Ngumiti ako, "Sorry nagising kita.."

Tuluyan siyang bumangon pero nanatiling nakahawak ang kamay ko sakanya.

"Ang lamig ng kamay mo.." tawa niya.

"Napapayag mo pala si Gunther na dalhin dito si Purple?"

Nabakas ang panghihinayang nang tumango siya.

"Pero bakit ganyan ang itsura mo?"

"Napatay kasi ni Gunther ang isa sa mga tauhan nyo dito.."

"Huh?" nang marinig yon ay napaupo ako, "May nangyari bang gulo?"

"Nalaman niyang spy siya ng daddy mo."

Napahilamos ako, "Matagal na kaming naghihinala na may spy rito mula pa nong mapatay niya si Elaine. Pero mailap siya kaya hindi namin agad nalaman kung sino."

"Kaya pala napatanong din sakin si Empire nong minsan kung may napansin akong nagmamatyag sakin."

"Ramdam na namin noon pa ang pagkilos niya pero mabilis din siyang umiwas. Hindi naman pwedeng magbintang nalang kami. Kahit pa ang mga cctv hindi makakatulong dahil vampires kaming lahat dito, normal nalang ang biglang mawala kami sa screen o lumitaw kung saan."

Napatango siya.

"Pero wag mo nang isipin pa yon, mabuti nga sakanya para wala nang ahas dito sa Cafe. Kung ako si Gunther hindi ko agad siya papatayin, papahirapan ko muna siya kahit magmakaawa pa siya. Maswerte ang g*gong yon at wala ako dito." sumibol ang inis ko.

"Sabi mo wag ko nang isipin pero ikaw 'tong nanggigigil dyan." hagod niya sa dibdib ko, "Kalma lang pwede? Parehong-pareho kayo ng kapatid mo, masyadong mainitin ang ulo."

Hinuli ko ang kamay niya, "Parang kailangan ko ng.." ngumuso ako, "Para kumalma.."

Natawa siya, "Ang landi mo!"

Sinalo ko ang kamay niya bago pa yon dumapo sakin at agad siyang hinapit palapit. Binitawan ko siya at kusang pumulupot ang mga kamay niya sa batok ko nang tanggapin ang halik ko.

  KINABUKASAN hindi pinabuksan ni Gunther ang Cafe. Inilaan nila ang araw na yon upang pag-usapan ang mga huling detalye sa event ng magnifico at pagsilip sa files ng lahat ng tauhan na meron sila.

Vampire's Menu [ Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon