Chapter 18 Feelings

49 6 0
                                    

     PAGGISING ko nakita ko si Empire na nakaupo sa may gilid ng kama.

"K-kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

"Kagabi pa.."

"Huh?" saka ako napalibot ng tingin, "U-umaga na pala."

Kumalam naman ang sikmura ko.

"Your breakfast is ready. Alam kong gutom ka dahil hindi ka na nakapagdinner.."

Nahihiya man ay bumangon na ako.

"Wag kang mag-alala. Walang bakas sa leeg mo." sabi niya ng mapansin ang pagkapa ko.

"Hindi ka na ba pipilitin ng parents mo?"

"Sa ngayon, hindi. I think naniwala naman sila na girlfriend kita."

"Sigurado ka?"

"Masyado kang inosente para paghinalaan nila ng masama."

"Ganon ba yon?"

"Yes, that's why I'm confident." tumayo na siya, "Lalabas na muna ako para makapag-ayos ka."

"O-okay." I nodded.

Trojan's pov

"GISING na ba siya?" salubong ko kay Empire sa may pinto.

"Yeah, you can check on her kung worried ka.." niya.

Dumiretso na ako sa loob matapos siyang tanguan. Wala si Prim sa kama pagpasok ko pero bukas ang shower sa banyo. Nakapamulsa akong umupo ron at naghintay habang nakatingin sa breakfast niya.

"Tss, kailan pa siya naging concern sa isang muse?" sarcastic kong bulong sa sarili nang makita ang blueberry juice sa tray.

Bigla namang sumimoy ang vanilla scent nang bumukas pinto ng bathroom.

"Trojan?"

"May nakakagulat ba?" tayo ko.

Napahigpit siya ng hawak sakanyang robe.

"Y-yong tungkol dun sa kagabiㅡ

Nilapitan ko siya kaya napaurong siya pabalik sa loob. Isinara ko ang pinto para mapag-isa kami.

"T-teka anong ginagawa mo?"

"Bakit pumayag ka sa gusto ni Empire?"

"B-biglaan lang kasi, isa pa nakiusap siya ng maayos sa'kin. Ayaw niya talagang magpakasal don saㅡ

ㅡAno bang pakialam mo sa ayaw niya?!"

Natigalgal siya ng magtaas ako ng boses.

"T-trojan.."

"At nagpakagat ka pa sakanya?!"

"Wala yon sa usapan. Hindi ko rin alam na ganon ang mangyayari. Natakot na rin ako sa parents niya eh."

Napasuntok ako sa salamin sa gilid ko kaya nabasag yon. Tumulo agad ang dugo mula sa kamao ko.

"Bakit hindi mo hiningi ang tulong ko?" inis ko, "Nandon lang ako Prim! Lahat ng butlers nakaupo ron, kaya nga kami tinawagan ni Empire para magpatunay! Kasama ka namin sa Cafe at walang alam ang matandang yon sa Roulette! Madali lang saming sabihin sakanya na nakatira ka kasama namin dahil nagde-date kayo ni Empire! Hindi mo man lang ba naisip yon?!" litanya ko.

Saka naman siya napaisip at nagbaba ng tingin.

"Nablangko na kasi ako non."

Huminga ako ng malalim para hupain ang galit ko.

"Ang t*nga-t*nga mo kasi!"

"Ano? Bakit ba galit na galit ka? Sinabi ko na sa'yo hindi ko naman alam na mangyayari yon!"

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now