Chapter 31 Pain

44 6 0
                                    

       LINGID sa kaalaman ng mga butlers ay palaging may mga matang nakamasid sa bawat kilos nila at may mga taingang pasimpleng nakikinig sa takbo ng kanilang usapan. 

Isa sa mga tauhan nila ang tapat na tagasunod ng ama ni Gunther na si Mr. Clein, ang dahilan kung bakit nakakarating sa Vampire Police ang ilang mahahalagang kaganapan sa loob ng Cafe.

A YEAR AGO..

"Gusto mo raw akong makausap Dad?" prenteng upo ni Gunther sa sofa, "Pwede mo naman akong tawagan bakit kailangang magkita pa tayo sa opisina mo?"

Tumayo naman mula sa swivel chair ang matanda at lumipat sa katapat na upuan ng anak.

"Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.." sumeryoso ito, "It's been months, since you won the roulette yet I heard that the muse is still alive."

Umayos ng upo ang binata at hindi ipinahalata ang pagkabahala sa tinuran nito.

"So what?" kibit balikat niya, "She's at my disposal, anyways, so why would you even bother asking about the muse?"

Huminga ng malalim si Mr. Clein, "This is not you son.." puna nito, "That lady used to work with the Vampire Hunters and she's involved in many cases of murder-

-I'm aware Dad!" inis niyang agaw, "Pinatawag mo lang ba ako rito para sermunan ng mga bagay na matagal ko nang alam?" iritable siyang nag-iwas ng tingin.

"Sabihin mo lang kung nagkakaron ka ng problema sakanya, we can finish the job for you." tila wala itong pakialam sa pagbabago ng mood niya, "The game is over, you've been feeding on her for so long. Siguro naman sapat na ang pakinabang niya sayo. I think it's about time to let go of her so we can consider her case closed."

"Bakit ba kayo nagmamadali?" balik niya, "Wala pa namang bagong line-up, might aswell let her serve the Cafe for the mean time."

"I have 2, a daughter of a surgeon and one from Trojan's failed mission."

Napakamot siya ng ulo.

"Ako na ang bahala," tamad niyang sagot, "Just give me the details ang I'll see what I can do." tumayo na siya, "Ipadeliver mo nalang sa Cafe dahil aalis na ako."

"Son," habol nito pagtalikod niya, "Maraming mas deserving na babae sa Vampire Community ang pwede kong ipakilala sayo. Don't mistaken fun for a long term commitment. You know that girl has been sentenced to death to begin with."

"Ano bang sinasabi mo?" painosente subalit inis niyang balik.

"Do what you're supposed to do."

Yon lang at walang lingon na niya itong iniwan.



"GUNTHER!" masiglang bati ni Elaine sa binata, "May problema ba?" haplos nito sa mukha niya.

Sinalo niya ang kamay nito at hinalikan yon. At saka ito hinapit sa baywang at hinuli ang mapupula nitong labi. Malaya naman yong sinalubong ng dalaga. Ilang minuto nilang pinagsaluhan ang mainit na halik na yon bago niya ito pakawalan at yakapin ng mahigpit.

"Ang weird mo naman, bakit hindi ka nagsasalita?" taka pa rin nito na niyakap siya pabalik, "Ano bang pinag-usapan nyo ng Daddy mo?"

"Nothing, it's not that important.." bulong niya.

Nagpilit na kumawala ang dalaga upang harapin siya.

"Gunther, ano ba talagang nangyayari sayo?" puno ito ng pag-aalala, "Bakit ayaw mong sabihin sakin? Pagdating mo pa lang halatang sira na ang mood mo. Hindi ka naman ganyan nong umalis ka kanina."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now