Chapter 14 Subtle

53 4 0
                                    


Prim's pov

*AW! aw!

Nag-aagaw pa ang diwa at panaginip ko.

"Purple.." ngiti ko nang makita siya sa may gilid ng sofa, "Ang ingay mo naman.." pet ko sa ulo niya.

Maingat akong bumangon. Medyo mabigat ang pakiramdam ko at nahihilo ako. Nilibot ko ang mata. Hindi agad nag-sink in sa'kin na nasa bahay ako ni Trojan kahit nandon si Purple.

*Aw! aw! aw!

"Bakit?" tawa ko, "Gusto mo bang kumalong sa'kin?" kausap ko sa tuta, "Halika nga rito," buhat ko sakanya, "Ang cute, cute mo!" yakap ko sakanya saka tumayo habang karga siya.

"Nasan na 'yong gwapong bampirang nakatira rito?" kaswal kong tanong sakanya.

*Aw! aw!

"Sana naintindihan ko ang sagot mo." ngiwi ko.

Dumiretso ako sa kitchen nang maamoy ko ang pagkain. Nakita kong may nakahain na ron na breakfast.

"Si Trojan ang nagluto nito?"

*Aw! aw!

Natawa ako sa sagot nito.

"Oo na, wala namang ibang nakatira dito kundi si Daddyㅡ ang ibig kong sabihin, si Uncle Trojan mo.."

Naglikot ito palatandaan na gusto na niyang bumaba. Nagtatakbo ito palabas nang mailapag ko. Sinundan ko siya ng tingin. Narinig ko naman na may dumating. Muli siyang nagtatahol don.

Maya-maya lumitaw si Trojan sa may pinto.

"Prim?" para siyang nakakita ng multo, "G-gising ka na pala..?"

"Ngayon lang, san ka galing?"

Napalunok siya, "Bumili lang ako ng gamot para sa hang-over mo." Inilagay niya yon sa lamesa, "Inumin mo kung masama pa ang pakiramdam mo." ni hindi man lang siya tumingin.

"Okay ka lang ba?"

"Y-yeah."

Ramdam ko ang pagkailang niya.

"Paano pala ako nakarating dito?"

"Well, pinasundo ka ni Clev dahil may biglaan siyang business call."

"Ganon ba?"

Para siyang robot na lumapit sa may faucet at binuksan yon para kumuha ng tubig.

"Nanaginip ako kagabi.."

Ininom niya ang laman ng baso.

"Hinalikan mo raw ako."

Bigla naman siyang nasamid. Nag-alala akong lumapit sakanya dahil dumistansiya siya.

"May problema ba?" puna ko.

"N-nothing." punas niya sa nguso, "Ang weird ng panaginip mo."

"Oo, nga eh."

"Baka naman may pagnanasa ka sa'kin?"

"H-huh?" namula ako, "Wala no? Bawal magkagusto sa'yo diba at sa kahit na sino sa cafe?" depensa ko.

Tumingin siya sa'kin.

Makahulugan.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala," bawi niya, "Tama ka. Mabuti na 'yong malinaw. Na wala kang gusto sa'kin."

Ako naman ang napalunok. Bigla akong natensyon sa sinabi niya.

"Nahahalata na ba ako?" isip-isip ko.

"Prim.." lapit niya, "Kung pakiramdam mo napapalapit ka na sa'kin. Baka may ibang kahulugan yon, mas malalim kaysa sa atraksyon."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now