Chapter 29 Submission

58 7 1
                                    

    PADABOG na pumasok sa loob ng mansion si Blair at gigil na inihagis ang baril sa sahig. Gulat an gulat naman ang mga tauhan na sumalubong sakanya.

Pinahid niya ang tumutulong dugo mula sa pisngi niya dahil tatlong hiwa ng matalas na kuko na iniwan ni Gunther.

*Gusto ko lang magthank you sa ginawa mo sakin sa  Villa*

Nag-echong muli sa utak niya ang mga salitang yon ng bampira bago siya nito kalmutin. Kaya napahiyaw na siya sa sobrang galit.

"Master Blair!" subok na lapit sakanya ng katiwala, "Kailangan pong matahi agad ang sugat ninyo sa pisngi." labis ang pag-aalala nito dahil tila hindi na niya alintana iyon, "Baka po mainfection pa yan kapag hinayaan natin ng matagal."

Saka naman tila siya natauhan at napangiwi nang mag-umpisa nang magsink in sakanya ang kirot.

Takip-takip ang sariling mukha ay nagpatianod na siya sa mga tauhan nang alalayan siya ng mga ito papunta sa kanyang silid at agad na nagpatawag ng doktor.

"Namumuro na talaga sakin ang Gunther na yan.." tiim bagang niya nang makaupo, "Kung hindi dahil sakanya hindi mawawala sa paningin ko si Rose."

"Master, sinabi ko na po sa inyo mas magandang pagkakataon ang mismong party para makuha si Miss Primrose at makabawi sa butlers." sagot nito na naghahanda na ng mga gagamitin, "Habaan mo pa ang pasensiya mo."

"Ayoko lang na matulad siya kay.." nahinto siya at napangiwi nang muling kumagat ang kirot, "Asan na ba ang doktor?!" pag-iiba niya.


Prim's Pov

       ILANG araw na ang lumipas, walang paramdam sakin si Trojan kaya hindi ko mapakali. Ang sabi ni Indigo bumalik na siya sa trabaho niya. Ipinagtataka ko lang kung bakit hindi man lang niya ako sinubukang kausapin.

Nakailang ikot ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Hanggang sa magpasya akong bumangon at sumilip sa may veranda sa labas.

Bahagya pa akong nagulat nang makita ang isang bulto ng katawan sa may bench sa baba pero hindi ito gumagalaw na para bang natutulog ito ron ng nakaupo.

Ngunit kahit anong dungaw ko ay hindi ko ito makilala dahil na rin dilim ng gabi. Halos hindi na ito abot ng ilaw sa may poste ng garden. Luminga ako sa paligid dahil tahimik ang lahat.

Ang alam ko may importanteng lakad si Ross at Gunther kaya wala sila. Sapalagay ko, may kinalaman yon sa isang event na ihohost nila.

Si Clev naman ay halos di ko na rin nakikita. Mahilig siya sa nighouts kaya malamang don na siya nagpapalipas ng oras pagkatapos niyang magquit sa roulette.

Hindi naman ako sigurado sa kung nasan sina Tangent at Indigo.

At nag-paalam sakin si Empire kanina na may aasikasuhin sa Villa matapos niya akong sunduin sa campus.

Mga tauhan lang nila ang nag-asikaso sakin. Pwedeng-pwede nga akong tumakas dahil wala akong bantay. Pero wala rin naman akong pupuntahan kung aalis ako. Kibit-balikat nalang akong pumasok uli sa loob.

"Teka.." nahinto ako sa paghakbang, "Posible ba talagang iwan nila akong lahat nang wala man lang maiiwan kahit isa?" napagtanto ko kaya pumihit ako pabalik para muling dungawin ang estranghero sa dilim.

"Hindi kaya.." bumilis ang tahip ng dibdib ko nang magkaron kutob kung sino yon, "Trojan?" mahina kong bulong sa hangin. 

Wala sa sariling napangiti ako. Tatawagin ko na sana siya sa pangalan pero nag-alala ako na baka bigla siyang umalis kaya tumakbo nalang ako palabas. Alam kong walang ibang pwedeng magbantay sakin kapag wala sila kundi si Trojan lang. Halos magkandarapa ako sa pagmamadaling puntahan ito. Kung pwede nga lang sana na tumalon na ako sa may veranda para mas mabilis kaso baka dumiretso na ako sa langit at hindi ko na siya makita.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now