Chapter 33 Spy

29 4 0
                                    

  SALITAN ang pag-stretch ni Blair ng mga braso matapos ang pagpu-push-up. Saka kumuha ng towel at dinampi-dampi yon sakanyang leeg at dibdib upang tuyuin ang kanyang pawis.

Maingat siyang naghilamos ng mukha sa washroom dahil bahagya pang gumagaling ang sugat na sanhi ng kalmot ni Gunther sakanya. Tiim bagang siya habang tinititigan ang sarili sa salamin.

"Master.." narinig niya ang boses ng tauhan sa labas, "Tapos na po ang lahat ng preparation para sa Event ng Magnifico."

"Mabuti naman kung ganon dahil naiinip na ako.." tamad niyang saad paglabas niya.

Agad siyang inabutan nito ng bottled water.

"Hindi nyo pa rin po pala itinatapon ang picture na yan.." puna nito nang mapansin ang nakapatong sa table niya.

Nilapitan niya yon at pinulot.

"Dahil ayokong kalimutan ang huling itsura ni Elaine bago niya ako tuluyang iwan.." titig niya sa walang buhay nitong picture, "Kuha niya 'to nang matagpuan sa bahay na inupahan niya." mahina niyang sabi, "Naguguluhan pa rin ako kung bakit kinailangan pa niyang mangupahan ng palihim at kung paano humantong sa pagkamatay niya ang bakasyong ipinaalam niya sakin. Masyado siyang nagtiwala sa mga bampirang nakilala niya. At ang pinakamasakit, ni hindi ko alam kung sino ang gumawa nito sakanya dahil wala ako sa tabi niya ng mga oras na yon.." kuyom niya ng kamay, "Hindi mawala sa isip ko kung paanong humihingi siya ng tulong at wala man lang akong nagawa para sakanya.." mapait niyang turan.

"Master.."  tapik nito sakanya dahil nanginginig na siya sa galit.

Napahinga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili at ibinaba yong muli sa table.

"Ikuha mo ako ng pain reliever dahil sumasakit ang sugat ko.." utos niya.

"Masusunod po Master."

Prim's pov

SINAMAHAN ako ni Gunther na sunduin si Purple ayon na rin sa napag-usapan namin. May trabaho si Trojan nang gabing yon kaya siya ang nagvolunteer na magbantay sakin. Hindi naman naghinala nang kung ang kapatid niya at ang butlers. Literal nang tapos para sakanila ang roulette kaya casual na ang pakikitungo nila sakin na para bang mymbro na ako ng pamilya.

"Purple!" masaya kong sambit nang masilip ito na masiglang naglalaro.

"Aw! Aw! Aw!" tahol niya nang makita ako at mabilis na nagtatakbo sa direksyon ko, "Aw! Aw!"

Nanibago ako nang makita ito dahil nadagdagan ang timbang at mas naging makapal ang balahibo. Kitang-kita sa kinis nito at pangangatawan na alagang-alaga ito ron.

"Ang laki mo na agad ah?" yakap ko rito, "Matutuwa ang daddy Trojan mo kapag nakita ka niya.."

Nahinto lang ako sa pagpet sakanya nang tumikhim si Gunther sa likuran ko.

"Ah.. Purple, siya nga pala si Ninong Gunther mo.."

Nagsalubong ang kilay niya nang bigla kong iabot sakanya ang tuta.

"Aw! Aw! Aw!" tahol nito sakanya at pilit inaabot ng nguso ang mukha niya.

"Teka, ano bang ginagawa ng bulinggit na to?!" iwas niya at binuhat yon palayo sakanya.

"Binabati ka lang naman niya.." natatawa ko itong binawi, "Behave ka lang Purple kung ayaw mong maiwan dito, okay?" pinanggigilan ko ito, "Ang cute cute mo talaga!"

Muling tumikhim si Gunther, "Wala tayong sapat na oras.." paalala niya, "Tayo na.."

"Ah, oo nga pala.."

May isang tauhan siyang isinama kaya ito muna ang nagbitbit kay Purple na tahimik na nakasunod samin. Sa lahat ng butler, siya lang ang nagsama ng alalay kaya medyo ilang ako dahil pinapanood niya ang bawat kilos namin.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now