Chapter 37 Torture

36 5 0
                                    

"URRRGGHHH!!!!!!!!!!!" umalingawngaw ang hiyaw ni Trojan sa buong dungeon nang lalong idiin ng isang tauhan ang nagbabagang bakal sakanyang balikat.

Kasabay ang pag-usok non dahil sa nasusunog niyang balat. Nanghihina siyang napayuko nang huminto ang tauhan.

Nakakadena ang magkabila niyang kamay nang nakadipa, ganon rin ang kanyang leeg. Nakaluhod siya sa magaspang na aspalto kaya nakadagdag yon sa paghihirap niya.

Bugbog na ang katawan niya sa lumipas na mga oras. At dahil yon sa mga tauhan ng pinuno ng MidKnight. Nalaman ng organisasyon na may namamagitan na sakanila ni Prim at napatunayan yon sa ilang araw na pagsurveillance sakanila.

Hindi malinaw kay Trojan kung paanong nakarating ang impormasyon sa mga ito gayong hindi naman nakikialam ang MidKnight sa personal niyang buhay mula pa noon.

"Makinig ka Trojan.." bungad ng pinuno na nakaupo sa isang upuan na gawa sa bato at  nakaharap sakanya, "Bilang paggalang sa kasunduan ng roulette ay hindi na namin saklaw pa kung paano nyo ididispatsa ang muse ang mahalaga ay maipataw ang karampatang parusang inihatol sakanila." anito, "Pero hindi ako makapaniwala na magagawa mong lumabag sa batas?"

Inabot ng isang tauhan ang brown enevelope rito at saka iyon binuksan. Isa-isa nitong inilabas ang mga pictures na laman non. Ang mga kuha nilang dalawa ni Prim sa labas ng campus.

"Alam kong bumalik na ang ala-ala mo dahil hindi naman permanente yon. Kaya bakit ganito ang resulta? Paano mong nasikmura na makipagflirt sa isang Vandivic. Ang angkan na nagpahirap sa mga kauri natin at mga inosenteng sibilyan?" disappointed nitong tanong.

"Walang kinalaman si Prim sa ginawa ng angkan niya. Kaya nga hindi ko siya napatay noon ay dahil inosente siya! Isa lang siyang minalas na sanggol na pinanganak sa mundong ito, sa maling pamilya at pagkakataon!"

Sumenyas ito sa tauhan upang muli siyang pasuin. Malakas na hiyaw na naman ang kumawala sakanya.

"Ano nga ulit ang sinabi mo, parang mali yata ang narinig ko?"

"Bingi ka ba?" matalim niyang titig rito sakabila nang nanlalabong mata at nanginginig niyang katawan, "Ang sabi ko walang kinalaman si Prim sa mga naging kasalanan ng- urrrgggghhhhh!!!!!!!" muli niyang hiyaw nang hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya at sumenyas na ituloy ang pagdiin ng bakal sa laman niya.

"Hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo kanina.." nakakalokong ulit nito.

"Ang sabi kong wala kinalaman si Prim sa ginawa ng pamilya niya-urrrrghhhhhhh!!!!!!!!!!"

Sa tuwing ipipilit niya ang sagot na yon ay sumesenyas ang pinuno na pasuin siya kaya halos mapaos na siya sa kakahiyaw dahil sa magkahalong sakit at frustration.

Kailangan niyang makaalis ron sa lalung madaling panahon dahil nararamdaman niyang nasa panganib si Prim.

"Dahil sa kontrata hindi namin magawang tapusin ang trabaho na dapat ikaw at ang butlers ang tatapos. Kaya dinala kita rito para magising ka at maalala mong isa kang assassin ng MidKnight. May rules tayong sinunod. Patayin ang dapat patayin nang walang pag-aalinlangan." dagdag nito.

Hinihingal na sinalubong ni Trojan ang mapanghamong titig ng MidKnight Lord.

Vampire Police

"NARETRIEVE na po namin ang kuha ng cctv malapit sa huling location ni Master Trojan." ulat ng tauhan ni Mr. Clein.

"Ang MidKnight?" kunot-noo nito habang sino-zoom it ang screen at kinikilala ang sasakyan na humarang sa binata.

"Sinusubukan na po naming makipag-ugnayan sakanila pero wala pa po silang sagot."  dagdag pa nito, "Busy rin po ang mga linya sa ngayon."

Vampire's Menu [ Unedited ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum