Chapter 4 Rules

145 15 0
                                    



     HABANG naghihintay sa labas ay nakarinig si Troj ng palakpakan sa loob.

"Dumaan sila sa likod?" naibulong niya.

Kanina pa siya nakaabang sa pagdating nina Ross. Tumayo siya para pumasok. Unang nahagip ng mata niya si Ross. Binilisan niya ang lakad para sana komprontahin ito dahil hindi nito idineretso ang dalaga sa cafe.

Ngunit nang marating niya ang hanay ng crowd saka lumitaw si Prim. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi niya inaasahan ang bihis nito. Nabighani siya ng husto sa ganda ng dalaga. Napatda siya sa pwesto niya at tinitigan lang ito.

Pero agad ding nasira ang momentong yon nang tapikin siya ni Gunther.

"She's prettier than I thought." sabi nito.

"Itutuloy mo talaga?" inis niya balik.

"Nag-umpisa na si Ross, bakit ko pa sila pipigilan? Halata namang gustung-gusto niya ang ini-spoiled siya, nakikita mo ba gung gaano kalapad ang ngiti ng Lady? katulad din ng mga dating muse natin."

"Iba pa rin siya, Gunther." diin niya, "Hindi mo siya pwedeng ikumpara sakanila."

"Dati naman hindi ka apektado kahit sino pa ang piliin natin. Anong pinagkaiba niya? Tao rin siya at babae. Madaling utuin ng mga material na bagay." he paused, "Wala rin siyang pamilya. May maghahanap pa ba sakanya kung mawala siya?"

Sa halip na sumagot. Kinwelyuhan niya ito at isinandal sa pader.

"Inosente siyang tao! Sa pagkakatanda ko pinayagan kayo ng batas na gawin ang kalokohang laro nyo dahil mga walang kwenta at mapagsamantalang babae ang prospect ninyo! Pero siya? Ano bang maling ginawa ni Prim? Kinailangan lang niya ng matutuluyan!" Asar niyang sagot.

"Kaya mo ba kaming hulihin?" Ngisi niya, "Kahit parte ka ng Vampire Police, isa ka pa ring assasin. Wala kang sinasanto basta nabayaran ka na, sigurado ka ba na lahat ng napatay mo ay masamang bampira? Maaring isa sakanila inosente rin kaya anong problema kung napasali si Prim dito? Hindi siya importanteng tao. Wag mo kong diktahan dahil ako ang may ari ng cafe at ako ang magdedesisyon."

Inalis nito ang kamay niya sa kwelyo at muli siyang tinapik. Napatiim-bagang na lang siya nang tumalikod na ito. Wala na talaga siyang magagawa.

Hindi niya maitatakas ang dalaga. Kapag ginawa niya yon, hindi magdadalawang-isip si Gunther na patayin ito o ang sino man sakanila dahil kasama 'yon sa rules.

Sumandal siya sa pader sa isang sulok na nakakrus ang mga braso. Nakapako ang mata niya sa prinsesa ng gabing yon.

Nakaalalay rito si Ross at hindi hinihiwalayan. Kaya hindi siya makalapit. Ang trabaho niya ay panatilihing ligtas ito pag nasa labas ng cafe at siguraduhing masusunod ang rules ng laro. Ngunit hindi yon ganoon kadali. Nung mga nakaraang taon namamatay agad ang muse dahil hindi nakakapagpigil ang butler.


     Rule  #1 Bawal kagatin ang muse hangga't hindi pa ito nakakapili.

Isa sa objective ng laro ang sukatin ang kontrol nila sa pagnanasa sa dugo.

Challenge yon sa butlers kung gaano kahaba ang pasensya nila bilang mga bampira. Wala siyang problema kay Tangent, Indigo at Empire. Pero si Ross at Clev ay may pagka-agresibo at hirap magkontrol sa sarili.

Hindi allowed ang butler's na uminom ng dugo hangga't naron si Prim. At dagdag yon sa challenge dahil ang kagat ni Gunther kay Prim bilang mark, nong una nila siyang makilala ay nagpataas sa aroma ng dugo nito.

Vampire's Menu [ Unedited ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora