Chapter 13 Kiss

120 8 0
                                    

     HINDI ako makatingin ng diretso sa mga utility na naglinis ng kalat at kumuha sa mga bangkay. Bakas sa mukha nila ang lungkot sakabila ng blangko nilang ekspresyon. Wala silang salita at parang mga robot kung kumilos.

Halatang hindi na bago sakanila ang ganong eksena. Ni wala man lang nagulat o nagreact sakanilang nadatnan.

Naaawa ako sa tatlong pinatay ni Clev. Hindi ko masikmura na madali lang sakanya ang kitilin ang buhay na hindi naman sakanya.

Nagpakuha siya ng laptop at may kinalikot. Sa tingin ko kanina mga personal datas yon nong tatlo. Nakita ko rin na naglog-in siya sa website ng vampire police. May ipinasa siyang files don saka nag-log-out.

Inalis niya ang flashdrive at ibinigay sa mga ito.

"In case you need the copy." sabi niya.

Tahimik lang yong kinuha ng lalaki. Nang mawala ang mga ito hindi ko na napigil ang mag-usisa.

"A-ano yong copy na binigay mo sakanila?"

"Bakit gusto mong malaman?"

"N-nakita ko kanina na nagbrowse ka sa profiles nila. May ginawa ka ba para malusutan ang batas?"

Tumawa ito.

"Sagutin mo yong tanong ko."

Nahinto ito at pinagkrus ang mga braso.

"Observant ka pala?" bilib nitong sambit, "Let say parang ganong na nga. Technically, it's a crime. So I had to lay down my aces to ensure na wala akong magiging problema."

"Ang sama mo.." galit kong sabi.

"You have to know when it comes to technology Im a pro. I can easily track people's data with no sweat. And those three? Apparently they have crime records and pending cases. Which mean I could easily fix this and bribe the authority with money."

"Hindi pa rin sapat na dahilan ang pumatay ka ng walang kalaban-laban."

"I have reasons. It's you and your stubborn nature."

Kinain na naman ako guilt. Partly may kasalanan pa rin ako dahil hindi ako nag-iisip. Bakit nga ba inakala ko na matatakasan ko sila ng ganon na lang, eh mga vampire nga pala sila? At hindi lang ordinaryong vampire, mayayaman at spoiled brats na vampires!

"You have to wear your best dress. I'll wait you at the lobby." utos nito at nakapamulsa akong tinalikuran.

Napapadyak nalang ako sa inis. Ayokong sumama sakanya pero kapag hindi ako sumunod baka topakin na naman siya at bigla nalang pumatay ng kung sino. Nakakatakot siya. Mas malala pa pala siya kaysa kay Ross!

Napasulyap ako sa balcony sa pag-asang lilitaw don si Trojan anumang oras ngunit ni anino niya ay wala.

Matapos kong makapag-ayos bumaba na ako. Kung nong unang dating ko ay masigla ang mga receptionist, ngayon ay halos mga nakayuko nalang sila.

Ano kaya ang iniisip nila tungkol don sa nangyari? Ang bigat ng pakiramdam ko nang makalabas kami sa building.

Nang nasa biahe na kami may bracelet na isinuot si Clev sa kamay ko.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now