Chapter 25 Fireflies

38 6 0
                                    

      NANG gabing yon naiwan kami ni Blair sa may bonfire. Nasa loob na ng bungaloo ang mga classmates ko kasama ang butlers. Dahil naghahanda ng dinner si Indigo.

Masaya ako na nakisama sila sa mga classmates ko. At ramdam kong hindi lang dahil yon sa roulette kundi dahil may likas talaga silang kabutihan.

Bukod pa sa sanay talaga silang mag-entertain ng guest dahil yon ang trabaho nila sa Cafe.

"Sa tingin ko lasing na sila." bulong sa'kin ni Blair sa gitna ng pag-iisip ko.

"Ang mga butlers ba?"

"Oo."

"Sigurado ka?" hindi ko inakala na posible yon.

Nakikita ko na silang uminom ng wine sa Cafe at ni minsan hindi ko pa sila nakitang nalasing.

"Hindi lang gaanong halata dahil sanay silang itago yun. Pero makikita mo sa mga mata nila.."

"T-talaga?" mangha ko.

"Namumula na ang pagitan ng pupils nila kanina, hindi lang kasing tingkad kapag namumula na ang mga yon sa t'wing nati-trigger silang uminom ng dugo."

"Napansin mo pa yon?"

"Inoobserbahan ko sila mula pa lang nang dumating tayo rito dahil concern ako para sa'ting anim. Kahit mababait sila sa'yo, hindi non mababago ang katotohanan na vampires sila." dagdag niya.

"Blair, nangako sila sa'kin na magiging ligtas kayo rito."

"Hindi sapat ang pangakong yon para magpasawalang bahala tayo. Napansin ko rin na nangingitim ang palibot ng mata nila. Pwera nalang kina Trojan, Gunther at Clev. Yung apat sakanila mukhang hindi regular na nakakainom ng dugo. Kaya sa tigin ko mas delikado sila."

Hindi agad ako nakasagot. Sa puntong yon, tama siya. Dahil sa roulette nagtitiis ng uhaw sina Ross, Empire, Tangent at Indigo. Nakakagulat lang na ganito siya kaaware tungkol sa mga vampires.

"Bakit parang ang dami mong alam?"

"Dahil pinag-aralan ko ang mga bagay na may kinalaman sa vampires. Inalam ko lahat ng mga bagay na pwede kong malaman. Maging ang kahinaan nila."

"Ano namang dahilan?"

"Vampires ang pumatay sa girlfriend ko," Blangko niya akong tinitigan.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari.." baba ko ng tono, "Pero paano nangyari?"

"Tulad mo may mga naging kaibigan siyang vampire. Nong una hindi ako nagduda dahil alam kong matalino siya. Hanggang sa malaman ko nalang na pinagpyestahan na siya ng mga halimaw na yon. Natagpuan ang bangkay niya sa loob mismo ng kwarto niya. Halos buong katawan niya ay may kagat. Hindi lang iisa ang may gawa." tumulo ang luha nito na agad pinahid.

Kinuha ko naman sa kamay niya ang nayuping in can soda.

"Blair.." pisil ko sa kamay niya, "I-im really sorry. Wala akong ideya na ganyan pala ang pinagdaanan mo sakanila. Sana hindi na lang kita isinama. Hindi ko naman kasi alam na-

-Sumama ako dahil sa'yo. Mula nang makita kita na kabuntot ang vampire na yon. Palagi na kitang sinusubaybayan, hindi lang ako makahanap ng tyempo o dahilan para lapitan ka." pag-amin niya.

Matagal ko nang alam yon dahil kay Trojan. Ngayon malinaw na sa'kin kung bakit palagi niya akong tinititigan.

"Pero hindi lang pala isa, madami silang nakapaligid sa'yo." patuloy niya, "Rose pwede ka nilang saktan. Delikado ang buhay mo sa Cafe na yon kasama sila."

Hindi lingid sa kaalaman ko ang sinabi niya. Mabuti na lang at walang alam ang mga ordinaryong tao na tulad niya tungkol sa pagiging muse ko. Mayayamang vampires lang ang may alam non dahil sila lang ang may access sa Empire's Cafe.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now