Chapter 10 Hypnotism

116 12 3
                                    

Trojan's pov

HABANG naglalakad may pamilyar na mukha akong nakita. Nag-umpisa itong kumaway nang makilala ako.

"Primrose?" taka ko.

Napahinto ako at napatda sa kinatatayuan ko. Nagtatalo ang isip ko kung ilusyon lang ba o talagang nakikita ko siya na masayang papalapit sakin?

"Troj?!" narinig kong sigaw nito na tumakbo na.

"I-ikaw nga?"

Hinahapo siyang yumuko sa harapan ko upang bawiin ang paghinga.

"Bakit naman ganyan ang mukha mo? Parang gulat na gulat ka na makita ako?" tanong niya.

"Nasaan na si Tangent? Tapos na ang date nyo?"

Lumingon siya sa direksyon ng Cafe, "Hindi pa ba siya umuuwi?"

"Ewan ko, kayo ang magkasama di'ba?"

"Ah, baka may iba pa siyang pinuntahan" hinga niya ng malalim, "Nagpahatid ako kanina malapit sa bahay mo. Pero si Purple lang ang inabutan ko don kaya dumiretso na 'ko dito. Sinadya mo bang iwanan na nakabukas yon?"

"Oo, dahil pabalik na rin naman ako ron. May kailangan ka sakin?"

"Wala."

"Umuwi ka na sa Cafe, siguradong hahanapin ka ni Clev."

"Ni Clev? Bakit naman?"

"Basta."

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid?"

"Pauwi na ako para silipin si Purple."

"Pinakain at pinainom ko na siya."

"May gagawin ako."

"Akala ko ba ikaw ang bantay ko? Bakit iiwan mo 'ko?"

"Ayon lang ang cafe.." turo ko sa likuran ko, "Hindi ka na mapapahamak niyan."

"Pagkatapos mo 'kong isangkalang sa mga classmates ko, ganyan mo 'ko itratrato?" nguso niya, "Ako nga dapat yong magalit eh."

"Pwede ka namang pumalag pero hindi mo ginawa?"

Saglit niya akong tiningnan at pinagkrus ang mga braso.

"Okay," tango niya, "Eh, di ngayon pumapalag na 'ko. Sasabihin ko bukas kay Camry na binabawi mo na yon banta mo."

"Ano?"

"Narinig mo ang sinabi ko." taas niya ng kilay, "Maghanap ka na ng ibang paraan para layuan ka nila. Dahil ayokong mas madami pang mainis sa'kin sa campus."

Saka siya dumiretso sa paglalakad.

"Sandali." habol ko.

"Oh bakit?"

"Subukan mong bawiin. Baka magsisi ka." panghahamon ko.

"Babawiin ko dahil gusto ko."

"Okay lang sa'yo kahit pagkaguluhan nila ako? Paano kita mababantayan kung palagi silang nakasunod sakin?"

"Problema mo na yon."

Napailing ako at humarang sa daan niya.

"Seryoso ako."

"Seryoso din ako Trojan."

"Ihahatid na kita sa Cafe."

"Akala ko ba uuwi ka?"

"Akala ko ba ayaw mong magpaiwan?"

"May sinabi ba 'ko?"

"Masyado kang painosente."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now