Chapter 1 Welcome

229 22 0
                                    


Prim's pov

MATAPOS ang eksena sa park kusang loob akong sumama sa Cafe na pag-aari ni Gunther. Laglag ang panga ko nang makita kung gaano kaelegante ang exterior palang ng gusali. May kaya lang yata ang nakakaafford na kumain sa ganito!

Gusto ko tuloy magback-out, may experienced naman ako sa pagiging crew sa mga foodchain pero ang maging waitress sa sosyal na cafe? Parang hindi ako ganun kaconfident. Mas bagay akong maging janitor dito o kaya dishwasher nalang.

"Wow," bulong ko nang makapasok sa loob. "Cafe ba 'to o palasyo?"

Natawa si Gunther sa reaksyon ko.

Pero seryoso yong tanong ko. Mukha talagang palasyo sa loob. Red at gold ang theme ng interior nito. Mala-europian vibes ganyan. May apat na upuan sa bawat mesa. Red ang carpet, maraming Chandeliers, may ilang indoor plants, Mini library, Pile of wine bottles, etc.,

Napalingon ako sa balcony nang may lumitaw na lalaki don at humalumbaba.

"Good evening," matalas ang mga mata nito.

"Ross, siya si Primrose. I just hired her as our new staff." pakilala ni Gunther.

"Hi.." kaway ko.

He smirked, "A new staff huh? Yan na ba ang bago mong strategy? Hindi ako nainformed na kulang pala tayo sa tauhan?"

Napaisip ako. Sa tono nito hindi naman talaga nila ako kailangan.

"Maghahanap ako ng iba." sabat ni Trojan, "Misunderstanding lang ang nangyari. Akala ni Gunther, prospect ko siya. Pero may napili na kayo kaya ibalato ninyo na lang siya sa'kin."

Napakunot noo ako.

"Well, unfortunately I already marked her" kinuha ng una ang kamay ko at itinaas sa ere para makita nito, "See? I decided to take her in at hindi na siya mapapalitan."

Natawa si Ross, "Biglaan naman yata?"

"She's more interesting dont you agree?"

"Hindi pa siya nakikilala ng lahat." Salo niya, "Let her go."

"Pag sinabi ko, sinabi ko." diin ni Gunter, "Tumigil ka na sa pakikialam mo."

"Nasisira ang kagwapuhan ko sa inyong dalawa." Malandi nitong hawak sa noo, "Kailan ba kayo magkakasundo?"

"Ikaw," lingon niya rito, "Interested ka ba sakanya?"

"Hmm.." hawak ni Ross sa baba at iniscan ako, "She's average and innocent. Not bad. At least, hindi na tayo mahihirapan. In a matter of days, malamang makakapili na siya."

"Dapat na ba 'kong kabahan sa usapan ninyo?" singit ko.

"Para san?" Gunther, "Ganito lang talaga kami mag-usap."

"Parang ang laking issue kasi ng invitation mo sakin, nakakahiya na nagtatalo pa kayo. Kung hindi naman lahat sang-ayon, pwede akong umalis.." yumuko ako rito. "Pasensya nalang sa abala. Alam mo siguro na desperada talaga ako na may matuluyan sa magdamag kaya ako sumama. Pero ayokong mag-umpisa ng gulo sa inyo."

"Nakapasok ka na sa Cafe," seryosong sagot nito, "Wag mo nang tangkaing umalis pa.."

"Bumaba na ba ang standards ninyo?" agaw ulit ni Troj, "Hindi siya pwedeng maging muse."

Vampire's Menu [ Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon