Chapter 22 Cake

74 9 1
                                    

     "MAY kailangan ka?" si Indigo.

"Hmm.." nakahalumbaba niyang tango, "Pwede ba 'kong tumulong dito?"

"Walang available na trabaho rito para sa'yo Lady Prim. Lahat ng tauhan dito ay may kanya-kanyang toka." inalis nito ang apron, "Okay ka lang ba?"

"Naiinip lang ako sa kwarto. Wala akong magawa."

Lumapit sakanya ang binata na waring nag-iisip.

"By the way, I got a new shortcake recipe, naapprove na siya ng mga butlers pero hindi ko pa naiidagdag sa menu. I was thinking maybe you can be my final critic?"

"Final critic? Ako?"

"Yap! Tutal wala kang magawa and I'm still not satisfied with it, so I want your approval para makapagdecide ako kung isasama ko siya sa bagong menu o hindi?"

"Sure ka?"

"I think ikaw talaga ang kailangan ko.."

"S-sige. Susubukan kong magbigay ng honest opinion." ngiti niya.

"Then come with me.."

"Huh? San ka magbi-bake?"

"May special kitchen ako para sa sarili kong recipes."

"Talaga..?"

Prim's pov

     HINAGIP niya ang kamay ko at iginiya ako palabas ng kitchen. Naglakad kami sa hallway at dumiretso sa isang bahagi ng Cafe na hindi ko pa napupuntahan.

"Wahhh...." nakakamangha ang kwartong pinasukan namin.

Kitchen din yon pero mukhang mas personalized at mas marangyang tingnan. Halos kumikinang lahat ng mga gamit sa sobrang linis at kintab.

"Ito ba ang kwarto mo?" linga ko.

"Just an extension. Nasa kabila ang bedroom ko, this is merely a personal kitchen."

Habang nag-iikot at inuusisa ang mga ingredients na nakahanay sa racks ay nag-umpisa na siyang mangolekta ng mga gagamitin niya.

Mayron din siyang sariling pantry sa kabilang dulo ng silid na yon. At madaming maliliit na botelya at kahon na may iba-ibang kulay.

Binalikan ko si Indigo na tahimik at abala sa paghuhugas sa may kitchen island. Umupo ako sa isang highchair na nakaharap sakanya.

"Uhm Indigo.."

"Yes?"

"Nagkagirlfriend ka na ba?"

Nahinto siya, "Bakit mo natanong?"

"Ano, curious lang.. kasi ang alam ko karamihan ng babae mahilig sa mga lalaking magaling magluto. Kaya gusto kong malaman.."

Natawa siya at kumuha ng bowl sa cabinet.

"Kapag sinabi ko, baka hindi ka maniwala."

"Bakit naman hindi?"

"Dahil pakiramdam ko may expectation ka na agad sa'kin."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now