Chapter 9 Dance

91 11 0
                                    

Prim's Pov

"IKAW ba ang nag-utos kay Trojie na gawin yon?" maarteng lapit sakin ni Camry.

Pinatay ko ang gripo at bahagyang pinagpag ang kamay ko para tuyuin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo.." kuha ko sa bag ko, "Wag kang nambibintang.."

"Hoy! Bastos ka rin 'no?" hagip niya sa kamay ko nang akmang tatalikuran ko siya.

"Aray, bitaw!" agaw ko.

"Porke may kabuntot kang vampire eh, ang yabang mo na? Feeling mo popular ka na sa ginagawa mo?"

"Naiinggit ka ba?"

"Wow ha!" Ikot nito ng mata, "Bakit naman ako maiinggit sa cheap na gaya mo?"

"Ano palang issue mo?"

"Ginagawa mo siyang tuta!"

"Nakadrugs ka ba?"

Nag-ikot na naman siya ng mata, "Duh! Totoo yong sinasabi ko! At sa palagay ko binlack mail mo siya!"

"Ilusyon mo lang yan. Wag mo 'kong pag-initan. Kung type mo si Trojan, siya ang kausapin mo. Wag ako"

"Yon na nga ang problema. Once na lapitan namin siya, makakascore ka right?"

"Score??"

"I didn't know how you do it. Pero grabe ka, nagawa mo pa yon? Okay na sana eh! Ini-entertain na niya kami, tapos biglang ayaw na niyang lapitan namin siya? Something is fishy talaga." Taas kilay niya.

"Psh, ewan ko sa'yo." Iwas ko.

Tapos naramdaman ko na lang na hinila niya ang buhok ko.

"Arrgh!" hiyaw ko nang isalya niya ako sa may lababo.

"Sabihin mo nga, ano bang mayron sa inyong dalawa? Nakakagigil na eh. Dapat nasa kalye ka! Kaya anong ginawa mo paraㅡ

Nawalan ito ng ulirat.

Nasapo ko ang bibig ko nang bumuwal ito pero sinalo ng isang braso.

"Hindi ko alam na may nambubully sa'yo dahil kay Trojan.."

"T-tangent..?" nautal ako.

Dahil bigla siyang lumitaw at dahil na rin sa nasa loob siya ng CR ng babae.

"Wag kang mag-alala, bukas na bukas hindi mo na makikita ang babaeng 'to, dahil expelled na siya." sabi niya na inayos ang pagkakabuhat rito.

"Anong ginawa mo sakanya?"

"Pinatulog ko lang siya, wag kang mag-aalala."

"Hindi mo na siya kailangang iexpel. Okay lang naman ako."

"Ayaw mo bang mawala siya sa landas mo?"

"Mukhang obssess lang siya kay Trojan, iiwasan ko na lang siya para walang gulo."

"Masyado kang mabait."

Vampire's Menu [ Unedited ]Onde histórias criam vida. Descubra agora