Chapter 30 Choice

44 8 0
                                    

NAGISING sa katok si Trojan at hihikab-hikab pa siyang bumangon para pagbuksan ang pinto.

"Prim ready na angㅡ

ㅡEmpire?" taka niya ng bumungad ito.

Lumagpas naman ang mata nito sa likuran niya kaya napalingon rin siya. Saka lang niya naalala na wala siya sa bahay nang makita na mahimbing na natutulog ang dalaga sa kama. Saka pinasadahan ng tingin ang sarili. Nakasuot tanging boxer lang ang suot.

Muli niyang binalingan si Empire na halatang gulat na gulat sa naabutang eksena.

"Ako na ang bahala kay Prim." pinakaswal niya ang tono at agad na isinara ang pinto.

Napasandal siya sa ron at huminga ng malalim saka lihim na napangiti. Muli niyang inalala ang nangyari sa lumipas na magdamag. Napakagaan ng kanyang pakiramdam ng umagang yon. At nang makita niya ang reaksyon ni Empire ay tuluyang nagsink-in sakanya na siya ang pinili ni Prim. Kaya para sakanya yon na ang pinakamasayang nangyari sa loob ng maraming taon niyang pamumuhay sa mundo.

Pagkatapos magmuni-muni ay nilapitan niya si Prim. May kilig pa rin siyang naramdaman habang pinagmamasdan ang kumot na nakatabing sa hubad nitong katawan. Umupo siya sa may gilid ng kama upang hawiin ang buhok na tumabing sa mukha nito.

Namumula pa ang pisngi nito at sa di maipaliwanag na dahilan ay mas lalung gumanda ang dalaga sa paningin niya. Maya-maya pa ay umungol ito na para bang nananaginip at umayos ng pwesto.

Umisod ito upang humiga sa may hita niya at yumakap sa kanyang tagiliran. Bahagya niyang pinadausdos ang katawang upang hindi ito mahirapan.

"Prim.." marahan kong tapik sakanya, Goodmorning.."

"Hmm.." simangot nito na tila tamad pang bumangon.

"Hindi ka pa ba nagugutom?"

Umiling ito at mas humigpit ang yakap.

"Ako yong napagod pero mas mahimbing pa yong tulog mo sakin," natatawang naisaboses niya.

"Eh kung ikaw kaya ang sipsipin ng sipsipin ko dyan?" nakapikit nitong sagot, "Saka nakakapagod din kayang banggitin ng paulit-ulit ang pangalan mo.." pansin niyang paos nga ito.

Natawa siya, "Kanina ka pa ba gising?"

"Hmmm." Tango niya.

"Kung ganon," buelo niya, "Narinig mong kumatok si Empire?"

Tumango siya ulit.

"Hindi ka man lang ba nag-aalala na nakita ka niya ng ganyan sa kama?"

Umiling siya, "Mas okay na siguro yon para malaman niyang ikaw ang gusto ko.." saka ito nagmulat ng mata at tiningala siya.

"Huh? Anong sabi mo?" Kunwari'y nabingi niyang tanong.

"Ang sabi ko gusto kita."

Inilapit niya ang tainga rito, "Isa pa di ko narinig.." pasimple niya.

Ngunit sa halip na ulitin ay hinagip ni Prim ang ulo niya at kinagat siya sa tainga.

"Ahh..aray, aray.." angal niya kahit ang totoo'y hindi naman siya nasaktan.

"Tsk, nakakainis ka!"

Sinalo naman niya ang hampas nito at umayos upang paibabawan ang dalaga. Nakatuon ang dalawang siko niya sa gilid nito upang saluhin ang kanyang bigat.  At siniil ito ng halik. Kusa namang pumulupot ang braso nito sa batok niya. Ilang segundo nilang pinatahimik nang pag-angkin sa labi ng isa't isa.

"Pwede bang wag kang munang umalis? Dito ka muna.." pakiusap niya nang pakawalan siya nito.

"Bakit?"

Vampire's Menu [ Unedited ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant