CHAPTER 2

9.4K 165 20
                                    

"Lie down here"

Sunod-sunod akong napalunok ng itinuro nito ang kaniyang tabi. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kama kung nasaan siya

Matapos naming kumain ng hapunan ay sinabihan ako nitong bumalik sa kaniyang silid dahil gusto nitong dito ako matulog ngayong gabi

"Ayoko ng pinaghihintay, Sloane" seryosong sabi nito habang mariing nakatitig sa akin

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi saka dahan-dahang humakbang palapit sa kaniyang kama

Sa totoo lang, natatakot ako sa pwede niyang gawin. Hindi sa akin kun'di para kay Kasper. Alam kong makapangyarihan ang pamilya nila Kasper pero mas makapangyarihan itong lalaking ito

Umupo ako sa kabilang side malayo sa kaniyang pwesto.

"I said here.. beside me"

Walang imik akong tumayo at umikot sa kabilang side kung nasaan siya nakahiga

"You're too slow"

Nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso at hinila pahiga. Agad nanlaki ang aking mga mata ng bumagsak ako sa kaniyang katawan

"Feels good hmm" mahinang sambit nito pagkatapos akong ikulong sa kaniyang mga bisig.

Hindi ako makagalaw. Kahit paghinga ay hindi ko magawa

"Let's sleep like this, my love" usal nito saka nito mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nakapatong ang aking Mukha sa kaniyang matigas na dibdib kaya hindi ako masiyadong makahinga. Inilipat ko na lamang sa gilid ang aking mukha

Hindi rin ako komportable sa aming posisyon lalo pa at may kakaiba akong bagay na nararamdaman na tumatama sa aking puson

Ilang minuto na ang nakalipas ay wala na itong naging imik. Akala ko ay tulog na ito kaya balak ko na sanag umalis sa kaniyang ibabaw. Pero ng tangkain kong bumangon ay mas himigpit pa ang pagkakayakap nito sa akin

"Don't move" sambit nito sa paos na tinig

Medyo nakahinga ako ng kaunti ng tumagilid ito at walang kahirap hirap akong inilipat sa kaniyang tabi ng hindi inaaalis ang pagkakayakap sa akin. Ipinatong din nito ang kaniyang kaliwang paa sa aking mga hita

Kahit medyo nabibigatan ay hindi ko na nakuha pang magreklamo. Hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam na parang takot ito mawala ako sa kaniya kaya ganito na lamang ang pagkakayakap niya sa akin

Iniangat ko ang aking tingin para matignan siya sa mukha. Wala sa sarili akong napangiti

Kung tutuusin ay matagal ko ng hinahangan si Don Octavius. Isa siyang modelo sa Canada. Bukod doon ay madalas din siyang lumalabas sa mga t.v commercials kaya naman kilala siya ng halos lahat ng kababaihan hindi lamang dito sa aming bayan, kun'di na rin maging sa iba pang mga lugar

Sino ba naman ang hindi hahanga sa kaniya. Napaka-gwapo at napakakisig niya. Kaya nga, hindi na nakapagtataka na maraming babae ang naghahangad na makuha siya

"Am I handsome, right?" Biglang usal nito saka dahan dahang iminulat ang kaniyang mga mata. Pumorma rin ang isang ngisi sa kaniyang mga labi kaya naman agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya

"Do you know that, there's only one girl who owns this handsome man right beside you" mahinang usal nito. Inalis nito ang isang kamay na nasa aking bewang at hinawakan ang aking baba. Iniangat niya ng bahagya ang aking Mukha upang matignan ko siya

"Aaminin ko. I've dated lot of beautiful girls back then, pero ni isa sa kanila wala akong minahal. You know why?" Muli itong huminto at saglit na dinampian ako ng halik sa aking noo pagkatapos ay marahan nitong hinaplos ang aking mukha

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon