CHAPTER 42

4K 101 12
                                    

Sloane

Ilang oras na ang nakalipas sa nangyaring pag-uusap namin ni Amarie, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang iproseso ng isip ko ang mga nalaman ko

'Yong video. 'Yong tungkol sa pagkakaroon ko ng kakambal which is her. Yong tungkol sa pamilya namin na hindi ko nakasama. Si Quillen na hindi pala si Quillen kun'di si Quiros na kakambal niya. At lalong lalo na ang tungkol kay Papa

Ang sakit sa dibdib!

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba lahat ng sinabi ni Amarie gayong sinisiraan niya sa akin ang Papa ko. Hindi ko na alam kung kanino ba ako maniniwala. Ang gulo! Napakagulo na ng lahat

“Are you okay?”

Saglit kong tinignan si Don ng umupo ito sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay na marahan 'yong pinisil

“Bakit kailangan mangyari ito sa buhay ko? Masama ba akong tao kaya parang pinaparusahan ako ng nasa itaas?” Mapait akong napangiti dahil sa tanong kong 'yon

“No you're not. Of all people, ikaw lang 'yong nakilala kong sobrang bait at mapagmahal, kaya nga Patay na Patay ako sa'yo 'diba?” Sagot niya ng pabiro. Alam ko naman na gusto niya lang pagkain ang loob ko. Gusto kong ngumiti kaya lang hindi ko magawa

“I don't want to believe Amarie. Pero, sinasabi ng puso ko na dapat ko siyang paniwalaan” Bumuntong hininga ako

“There's nothing wrong if you believe her. Base on my observation, I know that she's telling the truth. Basta sundin mo na lang kung ano ang sinasabi ng puso mo, Sloane” Ani'to. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa isa kong kamay

“Nagtanim ako ng galit sa Mama ko, dahil ang sabi ni Papa ay iniwan niya kami noon at ipinagpalit sa iba. At sa lahat din ng tao, si Papa yong pinaka-hinahangaan ko. Siya yong tinuturing kong superhero ko. Then this, malalaman ko na lahat ng 'yon ay hindi totoo. Ang hirap tanggapin. Ang sakit malaman na 'yong taong lubos mong pinagkakatiwalan ay niloko ka. Ano pa bang hindi ko alam, ano pa ba ang dapat kong malaman ha, Don?” Inangat ko ang ulo ko para matignan siya sa Mukha. Hinawakan niya naman ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay

“Magiging maayos din ang lahat, Sloane. But for now, huwag ka na munang mag-isip ng husto. Baka makasama sa'yo” Tumango na lang ako sa kaniya at muling isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat

Sana nga maging maayos na ang lahat. Ang gusto ko lang naman ay simpleng buhay. Ngunit napakahirap pala 'yong makamit

*****

“Mag-iingat ka rito” Bilin ko kay Amarie. Paalis na kasi kami nila Don dahil babalik na kami sa Maynila. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at marahan 'yong hinaplos.  “Huwag mo akong alalahanin, kayo ang dapat na mag-ingat lalo na at babyahe pa kayo ng napakalayo” Saad nito. Nginitian ko naman siya ng tipid at hinawakan ang mga kamay niya

Paunti-unti ay natatanggap ko na sa sistema ko na kapatid ko siya. Ramdam ko rin naman kasi ang koneksiyon naming dalawa dahil nga kamahal kami

I hugged her for the last time. Honestly, kanina pa kaming nagyayakapan na dalawa. Hindi na nga daw kami mapaghiwalay sabi nila Kasper kanina

“Mauna na kami, Amarie. Mahirap na at baka abutin kami ng dilim sa daan” Ani Don saka ako hinawakan sa aking kamay. Bumaba naman ang tingin doon ni Amarie saka ngumiti sa akin ng nakakaloko

“Sige. Ingatan mo itong kakambal ko ha! Magba-bonding pa kami nito kapag natapos na yung problema natin kay Quiros” Ani Amarie kay Don. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko si Quiros. Buong Akala ko pa naman ay siya si Quillen. Sa loob ng limang buwan ay napalapit na rin ang loob ko sa kaniya. Kaya nalulungkot ako dahil siya pala ang pasimuno ng lahat. Sinabi rin sa amin ni Amarie kanina na nagtatago siya dahil pinapahanap siya ni Quiros sa mga tauhan nito para patayin. Narinig niya kasi na baka maging sagabal daw siya sa mga pina-plano nito

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon