CHAPTER 4

7.6K 154 2
                                    

Pagkatapos ng nangyari kanina ay iniiwasan ko na muna si Don Octavius.

Narito ako ngayon sa aking silid at nagpapalit ng damit. Balak ko kasing puntahan si Kasper sa Apartment niya. Nage-guilty kasi ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina

Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na rin ako. Nadatnan ko sa sala si Don Octavius na may kausap sa kaniyang cellphone. Hindi ko na lamang iyon pinagtuonan ng pansin at dumiretso na lang palabas

Sumakay ako ng tricycle patungo sa Apartment ni Kasper. Ng makarating ako ay dumiretso ako papasok sa loob. Hindi siya nagla-lock kaya nakapasok ako agad. Wala siya sa sala kaya dumiretso na lang ako sa kwarto niya

Nadatnan ko siyang nakaupo sa lapag at nakasandal sa kaniyang kama habang hawak ang bote ng alak

"K-kasper?" Kunot noong tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa akin sandali saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sa hawak niyang bote

"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong nito na siyang ikinalunok ko

"H-hindi na ba ako pwedeng pumunta rito?" Mahinang tanong ko. Tumayo siya at inilapag sa bed side table ang boteng hawak niya saka lumapit sa akin. Tumitig siya sa aking mga mata na siyang ginawa ko rin

"Ano ba ako para sa'yo ha, Sloane?" Puno ng lungkot na tanong nito. Nagbaba ako ng tingin kasabay ng aking pagkagat sa aking pang ibabang labi. I don't want to answer his question, dahil alam kong masasaktan ko siya sa isasagot ko

"Si Don Vius, siya yung sinasabi mo noon, hindi ba?"

Mas lalo ko pang idiniin ang pagkaka-kagat sa labi ko ko dahil sa tanong niyang iyon

"Sinabi niya sa akin last time na hindi siya ang Daddy mo. Sinabi niya rin na dapat na kitang layuan dahil dumating na siya. And the two of you are planning to get married soon"

"Kaya hindi mo ako kayang mahalin, dahil siya pa rin ang Mahal mo, tama ako hindi ba?"

"K-kasper-"

"We've been together for four years. We've been in a relationship for two years. Pero sa mga taon na 'yon. You never look at me as your lover. Tell me, Sloane.. " huminto siya sandali. Narinig ko siyang bumuntong hininga saka nagpatuloy sa pagsasalita

"Sinagot mo lang ba ako dahil sa awa? Did you pity me that much kaya napilitan kang sagutin ako at maging boyfriend mo"

Iniangat ko ang tingi at tinignan siya. Pain is visible on his face, I can clearly see it

"Y-yes. I-I'm sorry Kasper" diretsang sagot ko sa kaniya. I don't want to lie to him anymore. Tama na ang dalawang taon na nagsinungaling ako sa kaniya

Kahit sabihin na ginawa ko lang ito para sa ikabubuti niya. Maling-mali pa rin na pinapaasa ko siya

Hinawakan niya ako sa magkabila kong pisngi at tinitigan sa aking mga mata

I bite my lower lip hard para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko

"Right. Now it's clear. I guess, it is our last Anniversary. You don't have to say sorry. Hindi mo naman kasalan na hindi mo ako kayang mahalin. Sapat na ang dalawang taon na 'yon na naranasan kong maging akin ka. I have no regrets of loving you, Sloane. Loving you is the only good thing that I did in my life" ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na puno ng sakit

I'm sorry Kasper. Siguro kung mas nauna kitang nakilala. Baka ikaw yung minahal ko at hindi siya

"Don't cry. Alam mo namang ayaw ko ng umiiyak ka, 'diba?" Pinunasan nito ang aking pisngi. Hindi ko na kasi napigilan pa ang sunod sunod na pagbagsak ng mga luha ko

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon