LAST CHAPTER

5.3K 114 4
                                    

A/N: it's been two weeks since my last update. Hooh, pasensya na po at natagalan. Anyway, last chapter na po ito, next is Epilogue na. Siya nga po pala, lahat ng chapters na ina-update ko ay hindi ko pa na-edit, kaya kung marami pong typos, wrong spelling at wrong grammar. Paki correct niyo na lang po. Saka na ako mag-e-edit kapag may time na ako. Maraming Salamat po sa patuloy na naghihintay ng aking update and pasensya na kung hindi na-reach ng story na ito ang standarads niyo☺️ Hanggang sa muli

******

Sloane


'Who's the prettiest girl in the world?' biglang sabi niya. Tinignan ko siya at nginusuan

'Eh Kuya naman eh! Nag-ingles ka na naman. Sabi ko 'diba tagalog lang!' rekalamo ko

Tumawa naman siya ng mahina 'Haha okay!'

'Hindi pa ako marunong mag-ingles eh. Kaunti pa lang alam ko'

'Tuturuan kita minsan. Nga pala may tanong ako' Umayos siya ng pagkakaupo mula sa sanga ng inuupuan naming Puno ng mangga

'Ano yun Kuya?'

'Kilala mo ba kung sino ang pinakaagandang babae sa buong Mundo?' Tanong niya. Napaisip naman ako

Umiling ako 'Hindi. Sino po ba?'

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko 'Ikaw. Ikaw ang pinaka-magandang babae sa buong Mundo'

'Sus! Binobola mo lang ako Kuya eh!' Lumapit ako sa braso niya at sumandal sa balikat niya

'Hindi ah! Nagsasabi ako ng totoo. Sigurado ako, kapag nagdalaga ka, maraming lalaki kang paiiyakin'

'Hindi ako magpapaiyak ng lalaki Kuya. Kapag nagmahal ako, isang lalaki lang'

'Isa lang? Ibig sabihin hindi mo kami Mahal ni Papa?' Tinignan ko siya at nginusuan

'Mahal ko kayo. Alam mo namang kayo ni Papa ang dalawang unang lalaki sa buhay ko 'diba. Ang sinasabi ko po, kapag nagboyfriend ako, gusto ko siya na rin ang panghabang buhay ko. Siya na rin yung mapapangasawa ko. Magiging Daddy ng baby ko'


'Kaya dapat pumili ka ng karapat-dapat. Susuportahan kita kahit sino pa 'yan. Basta hindi ka niya paiiyakin at sasaktan. Dahil kapag ginawa niya 'yon, ililibing ko siya ng buhay'

Napangiti bako sa sinabi niya. Muli kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya at ipinikit ang aking mga mata

'Salamat Kuya Sil. Salamat dahil dumating ka sa buhay namin ni Papa'

'Ako dapat ang magpasalamat sa inyo, Sloane. Salamat dahil dumating kayo ni Papa sa buhay ko. Salamat dahil itinuring niyo akong pamilya kahit na hindi niyo ako kadugo at salamat dahil nagkaroon ng liwanang ang madilim kong buhay dahil sa inyo'

Nagising akong mabigat ang aking pakiramdam dahil sa panaginip kong iyon. Ilang taon na ang nakalipas magmula ng huli ko siyang mapanaginipan.

Kuya Sil...

Mapait akong napangiti. Kahit anong pilit na paglimot ang gawin ko sa kaniya, bumabalik at bumabalik pa rin siya sa ala-ala ko. Ang Kuya Sil ko. Ang nag-iisang Kuya ko

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon