CHAPTER 36

3.9K 121 22
                                    

“Sigurado ka bang okay ka lang diyan?”

Tanong ko kay Haddi. Sa sofa kasi siya matutulog dahil ayaw niya namang tumabi sa akin dito sa kama.

Nagpalagay kasi ako ng sofa dito sa kwarto ko saka T.V para hindi na ako bababa pa sa Salas para lang manuod.

“Yeah...I––think so” Parang hindi pa ito sigurado sa naging sagot niya

Sabagay, paano nga ba naman siya magiging sigurado sa sagot niya kung halata namang hindi siya komportable doon

The Sofa is small. Haddi is 6'9 tall, how can he fits the sofa na ako lang ang kasya

“Hindi ka makakatulog na maayos diyan. Dito ka na lang sa tabi ko, malaki naman itong kama ko” I suggest. I treat Haddi like a big bro, kaya walang malisya sa akin kung tabi siya

Umiling naman siya

“Nah. I'm fine here. Don't worry about me. Malikot akong matulog baka aksidente ko pang mapisa mga baby mo sa tiyan. I don't want that to happen” Sagot nito saka humiga na sa Sofa na nakabaluktot ang mga paa

Napailing na lang ako. Parehong pareho talaga sila ni Don, parehong matigas ang ulo. Hindi maipagkakailang magpinsan nga sila

Dahan-dahan na rin akong humiga. Nakatihaya ako habang nakatingin sa aking kulay dilaw na kisame.

Iniisip ko yung mga nangyari kanina. Ang pagdating ni Don dito sa Mansion, ang pagpasok niya kanina habang nagbibihis ako at ang paghingi nito ng sorry na hindi ko alam kung para saan.

Ilang Araw na lang at magbabago na ng taon, ilang buwan na lang din at manganaganak na ako. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos, kung may pag-asa pa bang bumalik pa kami sa dati

I'm still hoping that one day, malilinawan din siya. That one day, ako yung paniniwalaan niya at hindi kung sino man

“What are you thinking?”

Tinignan ko si Hadrian. Nagtaka ako ng makita ko itong nakaupo na. Siguro ay dahil hindi talaga siya komportableng mahiga sa maliit na sofa

“Sabi ko naman kasi sa'yo na dito ka na lang mahiga sa kama eh” sabi ko. Nginitian lang naman ako nito

“Kahit na gusto ko. Hindi ko gagawin. I'm not even your boyfriend, kaya pangit tignan kung tatabi ako sa'yo” sabi nito saka muling humiga na nakaharap sa akin

“Tatabi ka lang naman. Wala namang malisya doon” muling sabi ko

“Wag mo na akong intindihin. Matulog ka na” sagot nito saka ipinikit ang kaniyang mga mata

Pipikit na rin sana ako ng bigla akong may maalala

“Haddi” tawag ko sa pangalan niya

“Hmmm?”

“Sabi mo noon, matagal na tayong magkakilala, 'diba?”

“Yeah. Why?”

“Kung matagal na tayong magkakilala. Bakit hindi kita matandaan”

Matagal pa bago siya nakasagot

“Let's just say..... something happened when you were fourteen and it causes of losing half of your memory” sagot niya na ikina-kunot ng aking noo

Losing of my half memory?

“Nawalan ako ng ala-ala? Eh bakit hindi ko maalala?”

Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa ka-engotan ko. Nawalan nga 'diba! edi syempre wala ka talagang maaalala. Napakaboba mo talaga Sloane tsk!

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now