CHAPTER 15

4.8K 119 6
                                    

SLOANE

Parang no'ng kailan lang ng dalhin ni Suhence si Xuxu sa akin, ngayon kukunin niya na ulit ito dahil nakauwi na siya

Nakakalungkot lang.

Nasanay na kasi ako na may bata rito sa Mansion. Nasanay na ako na tuwing umaga ay may babati sa akin ng  'Good Morning, Mommy'. Nasanay na ako na katabi siyang matulog. Nasanay na ako na maging parang Nanay sa kaniya.

"Don't worry Mommy. Xuxu will always visit you and Daddy Vius" sabi nito. Alam kong kahit siya ay nalulungkot din. Nababasa ko kasi sa mga mata niya

Niyakap ko siya ng mahigpit "Mommy will miss you so much. Take good care of yourself and always be humble, okay?"

"Yes, Mommy" Humalik ito sa aking pisngi bago lumapit kay Don. Umupo naman si Don para makapantay siya. Ginulo niya ang buhok nito saka tipid na ngumiti

"Daddy Vius will miss you too, kiddo" ani Don saka niyakap si Xuxu, yumakap din naman pabalik si Xuxu  "Me too, Daddy Vius. I will miss you so much"

"Sige na Sloane. Alis na kami. Xuxu let's go"

Naiiyak na nakatingin ako kay Xuxu ng lumapit ito kay Suhence. Maya-maya ay naramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa kamay ko. Nilingon ko si Don na nasa tabi ko na pala. Ngumiti ito sa akin

"Salamat ulit Sloane ha. Don't worry, bibisita kami ni Xuxu dito Pagbalik namin galing Vigan" ani Suhence na tinanguan ko na lang

Lumapit siya sa akin at akmang yayakap ng biglang humarang si Don sa harapan ko. Kaya imbes na ako ay siya ang nayakap ni Suhence

"Your Thank you is enough. You don't need to hug her. Tsk!" rinig kong bulong ni Don kay Suhence. Tumawa naman si Suhence saka niya ito tinapik sa balikat bago siya lumayo "Sloane is just like a sister to me. Wala kang dapat ikaselos Don Vius haha"

"Tsk. Kahit na. And stop calling me Don. It pisses me off!"

Muling tumawa si Suhence dahil sa sinabi nito

"Alright. Sige na, Salamat ulit Sloane ha"

"Walang problema Suhence. Basta, laging welcome si Xuxu dito"

Nagpaalam muna si Xuxu kina Manang bago sila tuluyang umalis. Umiiyak pa nga si Manang Lumeng dahil mamimiss niya daw ang kadaldalan ni Xuxu. Mananahimik na naman daw kasi ulit itong Mansion

"Let's have our breakfast together. Maliligo lang ako" Humalik ito sa pisngi ko saka umakyat sa itaas. Ako naman ay bagsak balikat na umupo sa sofa

Kung pwede lang sana na dito na lang tumira si Xuxu, para hindi ko na kailangang malungkot ng ganito. Ang hirap talaga kapag sobrang napalapit at napamahal sa'yo ang isang tao. Ang hirap nilang i-let go

Iidlip sana ako ng bigla akong maka-amoy ng masangsang na amoy.

Tumayo ako at sinundan kung saan nang-gagaling ang masangsang na amoy. Dinala nito ako sa kusina kung saan nagluluto si Manang Lumeng at Ate Lydia

Napatakip ako ng mahigpit sa aking ilong dahil sa sobrang baho

"Manang, ano ho ba iyang niluluto niyo at bakit sobrang baho ng amoy?" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil ayokong may pumasok na amoy sa ilong ko

Nagtataka akong tinignan ni Manang Lumeng pati na rin ni Ate Lydia

"Bawang lamang ito, Hija. Ginigisa ko lang" sagot nito na ikina-kunot ng noo ko

"Bakit ho mabaho? Baka ho bulok na iyan Manang"

"Fresh areng mga bawang natin, Hija dahil kaka-ani lamang nare" Nagtatakang sagot nito

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon