CHAPTER 23

5K 132 8
                                    

It's already 12 in the midnight at heto ako, dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi kasi ako makatulog. Kanina pa rin ako nanunuod ng Cartoons dito sa Salas. Gusto ko nga sanang tumawa ng tumawa dahil nakakatuwa si Tom kapag nauutakan siya ni Jerry, kaya lang himbing na sa pagtulog itong kasama ko

Binalingan ko siya ng tingin. Payapa itong nakahiga dito sa sofa. Nakapatong ang ulo niya sa aking mga hita. Nakaharap siya sa akin at nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking tiyan, habang ang dalawa niyang braso ay nakapulupot sa aking beywang.

Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kaniyang ulo at marahang hinaplos ang kaniyang buhok

Simula ng malaman nito noong nakaraang Araw ang tungkol sa pagbubuntis ko ay mas naging malambing siya sa akin, mas naging clingy na rin siya. Although madalas siyang wala dahil lagi siyang pumupunta sa Kapitolyo sa Batangas City. Pero kapag uumuwi siya dito sa Mansion ay didiretso kaagad siya sa akin at maglalambing

Katulad na lang ngayon, sa pagkakaalam ko ay bumyahe sila kanina papuntang Vigan city dahil may aasikasuhin daw sila doon ng mga kaibigan niya. 11 pm na siyang nakauwi kanina. Sakto rin na narito ako sa Salas dahil nanunuod ako, kaya dito na rin siya dumiretso. Kumain lang siya ng kaunti pagkatapos ay nahiga na. Halatang pagod na pagod siya

Sa totoo lang, madalas siyang walang tulog sa gabi dahil napupuyat siya sa akin. Ilang gabi na kasi akong hindi makatulog dahil panay ako bangon at kain. Halos minu-minuto kasi akong nagugutom. Ewan ko nga eh, pero parang may pagaka-dragon yata itong baby ko dahil laging gutom

Araw Araw na nga ring namamalengke sina Manang dahil halos maubos ko sa maghapon lang ang laman ng napakalaking Ref

Ibinalik ko na lang ulit ang atensiyon ko sa T.V. I changed Cartoon Channel into YouTube. Gusto kong manuod ng about sa mga pagkain

Bigla akong nakaramdam ng gutom ng mag-flash sa screen ng T.v ang mga masasarap na dessert. Pero mas naagaw ang atensiyon ko ng mango flavored cookies

Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko

Tinignan ko si Don ng bigla siyang gumalaw. Inangat nito ng kaunti ang kaniyang Mukha at tinignan ako

“Hmm hungry?” Paos nitong tanong. Nakaramdam ako ng hiya dahil mukhang narinig niya ang pag-alburuto ng aking tiyan. Nahihiyang tumango na lang ako sa kaniya

Dahan dahan siyang bumangon at umupo

“What do you want to eat?” Humikab ito at nagkusot ng mga maya

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka pinagdikit ang dalawa kong hintuturo na parang bata

“Uhm...mango cookies sana” Nahihiya kong sambit. Narinig ko man siyang tumawa ng mahina

“Okay. Daddy will make my two babies their mango cookies” Saad niya saka bahagyang yumuko para halikan ang aking tiyan

Pagkatapos ay tumayo na rin siya “Stay here and wait for your cookies, okay?” Tumango ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sandali sa aking labi saka siya naglakad paalis at dumiretso sa kusina

I wonder if he knows how to bake. Hindi ko pa kasi siya nakitang magluto kahit na minsan. Pero siguro naman marunong siya

Nangingiting ibinalik ko ang aking atensiyon sa T. V

Hours passed pero hindi pa rin siya bumabalik. Lumipad na rin ang gutom ko. 2 A.M na rin

In-off ko na ang T.V saka tumayo para puntahan siya sa kusina.

Habang papalapit ako sa kusina ay may naaamoy akong parang nasusunog

Nagmadali akong naglakad papasok at halos lumuwa ang mga mata ko sa naabutan ko

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon