CHAPTER 11

5.5K 111 13
                                    

"Nag away ba kayo ng Don mo?"

Itinigil ko ang paghigop ng kape at tinignan si Niona. Nakataas ang kanang kilay nito habang mariing nakatitig sa akin

Umiling ako "Hindi. Bakit mo naman natanong?"

Humigop muna ito sa kape niya saka sumagot "Parang pang biyernes-santo kasi 'yang Mukha mo. Parang napakalalim din ng iniisip mo"

Tipid na lang akong ngumiti "Iniisip ko lang 'yong bago kong pasyente. Para kasing hindi ko siya kayang i-handle" sagot ko saka muling humigop ng kape

Nandito kami ngayon ni Niona sa Coffee shop na madalas naming tambayan noong High school pa kami. Nag-aya kasi itong mag-coffee date kaya ito magkasama kaming dalawa ngayon.

"Bakit, ano bang problema no'ng pasyente mo?"

Tumingin tingin mins ako sa paligid kong may makarinig ba. Bawal kasi sa amin na ipahsabi kung kanino ang about sa pasyente namin. Ng masiguro kong wala dahil kami na lang ni Niona ang narito sa coffee shop ay saka lang ako sumagot

"Parang sa Kuya mo. Meron siyang Multiple Personality Disorder but unlike Kasper na lumalabas lahat ng personalities niya ng madalas, itong patient na 'to ay once a month lang umaatake pero malala" Bumuntong hininga ako

"I know you can handle her. Ikaw pa ba!" Saad nito saka ngumiti. Ngumiti na lang din ako ng tipid sa kaniya.

Multiple Personality Disorder

I have no doubt on myself handlings patient who have that kind of disease, dahil ilang pasyente na ang nahawakan kong may gano'ng kondisyon gaya ni Kasper, kaya lang, ewan ko ba. Pakiramdam ko magiging mahirap para sa akin ang pasyenteng 'yon. Siguro dahil, may killer siyang personality

Kahit sino naman siguro, matatakot 'diba. And Yes aaminin ko. Takot ako. Pero mas nangingibabaw pa rin ang pagiging psychiatrist ko. I still want to help her

"Don't think of it na nga muna. Inaya kita ng coffee date dahil may importante akong sasabihin sa iyo"

"Ano 'yon?"

"Well, I met a guy last night sa bar. You know what, kakaiba siya"

"Bakit mo naman nasabing kakaiba"

"We are strangers pero nag-open up siya sa akin ng problema niya" humigop ito ng kape saka nagpatuloy sa pagsasalita "Sabi niya, he's a total womanizer. Iyon daw ang bansag sa kaniya since High school siya until now. Maraming babaeng dumadating sa buhay niya pero wala daw tumagal"

"Oh, tapos?"

"Then he told me na hindi naman talaga siya Womanizer"

Kumunot ang noo ko

"Paanong hindi, eh kung marami siyang babae" Naguguluhan kong tanong

"Actually, he was drunk last night kaya siguro pati sekreto niya nasabi niya sa akin"

"Sekreto?" Okay, pakiramdam ko, isa akong dakilang chismosang nilalang

"Oo. Huwag kang maingay ha, sasabihin ko sa iyo. Kaibigan kita kaya alam kong Mapag-kakatiwalaan kita na walang ibang makakaalam"

"Okay"

"Ganito kasi 'yon. Hindi naman talaga daw siya womanizer. Wala lang tumatagal na babae sa kaniya. Iniiwan siya sa tuwing nalalaman yung sekreto niya" simula nito

"Ano ba sekreto niya?"

"Hindi tumatayo yung kaniya kapag nakipag ano siya sa babae" mahinang sabi nito. Tumingin pa ito sa paligid namin

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon