CHAPTER 39

3.7K 119 8
                                    

“How is he?”

Binalingan ko ng tingin si Haddi bago tipid na ngumiti sa kaniya. Tumabi siya sa akin at dagliang hinaplos ang balikat ko

“Hindi ako sigurado kung okay na siya. Pero kahit papaano naman nakakausap na siya ng maayos unlike kahapon” Sagot ko rito.

Bumuntong hininga siya “Magiging okay din ang isang 'yon. Baka nga bukas or sa makalawa babalik na naman siya sa pagiging maangas niya. You know, his BEAST self!” He said then smiled. Talagang in-emphasize pa niya ang word na 'Beast'

“Wala ka bang pasok ngayon?” Curious kong tanong. Para kasi siyang walang trabaho dahil madalas narito. Silang dalawa ni Kasper actually. Parang ginawa na nga nilang tambayan itong Mansion

“I am the CEO remember. I can go there whenever I want. And besides, nandoon naman si Lurachi, siya na ang bahala” Mayabang nitong saad saka sumandal sa sandalan ng sofa. Napailing na lang ako. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at inilipat sa T.v

Kung kagaya niya lang sana si Don na parang happy go lucky lang. Hindi 'yong parang lagi na lang siyang may problema sa buhay

Hayssss!

Bigla siyang tumahimik kaya muli ko siyang tinignan. Nakapatong na ang kaniyang ulo sa sandalan at nakapikit ang mga mata.

“Haddi” Tawag ko sa kaniya. Mabilis naman siyang nagmulat ng mga mata at tumingin sa akin

“Hm?”

“Tungkol sa ala-alang sinasabi mong nawala sa akin” Bigla siyang napaayos ng upo at seryoso akong tinignan

“N-nakakaalala ka na rin?” Tila may kaba sa tinig nito. Pansin ko 'yon. Mukhang kahit siya ay ayaw ng bumalik pa ang ala-ala ko

Umiling ako “Hindi pa. Pero tama ka. Mas maganda nga siguro na hindi ko na maalala pa” sagot ko saka iniwas ang tingin sa kaniya. Narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hangin

“May isang bagay lang sana akong tatanongin. And I badly want an answer from you, Haddi” Muli ko siyang hinarap “Totoo bang ni-rape ako ni Don Vius noon?” Diretsa kong tanong na saglit niyang ikinatigil

He sighed deeply and looked straight into my eyes. He nodded as an answer

Mapait akong napangiti “How? I mean.... Hindi ba't nasa Canada siya ng halos labing limang taon. Paano 'yon nangyar? H-how did he r-raped m-me?” Pinilit kong palakasin ang loob ko kahit na halos manginig na ang aking kalamnan ng banggitin ko ang salitang 'yon. I don't want to remember what actually happened at that time, but I want to know how it happened. Magkalayo kami ni Don noon kaya naguguluhan ako sa kung paano nangyari 'yon

Hindi siya umimik kaya tinignan ko siya sa mga mata niya na nangungusap “Please Haddi”

“Are you sure?” tumango na lang ako sa kaniya

He sighed and began to speak

“Ang alam ko umuwi siya no'ng 14th birthday mo dahil may aasikasuhin siya dito sa pinas. I don't know what exactly happened before. But, the day after your birthday, no'ng pumunta ako sa Mansion to give my present to you. Nadatnan ko na lang sina Dad at sina Manang na pilit pinapakalma si Vius na nagwawala. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya sinasadya yung nagawa niya. At first naguluhan ako. But then nalaman ko na he r-aped you dahil lumabas mismo 'yon sa bibig niya” Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at iniiwas ang tingin sa akin. Muli siyang nagpakawala ng marahas na hangin saka Muling nagpatuloy. Tahimik akong naghihintay ng susunod niyang sasabihin

“Ng puntahan kita sa kwarto mo nadatnan kitang tulala habang yakap yakap ni Manang Lumeng. We tried to talk to you many times pero wala kaming narinig na kahit ano mula sa'yo. Ilang linggo kang naging gano'n hanggang sa nag-decide si Dad na ipatingin ka sa Doctor. Sabi ng Doctor nagkaroon ka ng Acute Trauma. Maybe because of what happened between you and Vius. Kaya para magpatuloy ka sa buhay na parang walang nangyari. Dad asked the Doctor to erase some of your memory. Ganoon na rin kay Vius” He looked at me again.

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now