CHAPTER 33

3.6K 115 15
                                    

SLOANE

“Congratulations Bessy! May dalawang little Gov at may isang little Sloane ka na”

Nginitian ko na lang si Niona. Mas mukha pa siyang excited kesa sa akin

“Bakit parang hindi masaya. Baby shower mo ngayon at gender reveal na rin. Dapat masaya ka” Ani Niona ng lumapit ito sa akin

“Dahil ba wala dito si Gov?” Dugtong pa nito na inilingan ko na lang

“Limang buwan na ang nakalipas Niona. Sanay na akong wala siya. May iba lang akong iniisip kaya ako ganito” Sagot ko na lang para hindi na siya mag-usisa pa

Limang buwan na ang nakalipas magmula ng lumipat kami dito sa Manila

Sa limang buwan na nakalipas ay hindi ko na ulit pa nakita si Don. Sabi ni Niona ay madalas siyang lumalabas sa balita sa telebisyon. Hindi naman ako nanunuod kaya hindi ko rin siya nakikita

“Take a sit”

Nginitian ko si Kasper ng tulungan ako nitong nakaupo sa aking upuan

Ngayon ay Araw ng aking Baby Shower na si Niona ang nagprepara. Sabi ko nga sa kaniya ay hindi na kailangan pero nagpumilit siya

Kanina ko lang din nalaman na 2 baby boys at 1 baby girl ang mga magiging Anak ko. Itinago kasi sa akin ni Niona ang result noon para daw ma-surprise ako sa gender reveal na ngayon na rin mismo ginawa

“Do you want to eat some?”

Ipinakita sa akin ni Kasper ang Chocolate cake na nasa plato niya. Umiling na lang ako sa kaniya bilang sagot.

Masaya ako dahil narito silang dalawa ni Niona at kasama ko. May ilan din naman kaming mga naging bisita na mostly ay mga Classmate namin ni Niona noong High school kami, pero umalis na rin sila kanina dahil yung iba ay babyahe pa pabalik ng Batangas. Silang dalawa na lang ni Kasper ang natira dito na kasama ko

“Kanina ka pa tumitingin sa pinto. May hinihintay ka pa bang darating?” Tanong nito

Bumuntong hininga ako saka humarap sa kaniya “Wala pa si Hadrian at sina Xuxu”

Sabi kasi ni Suhence ay darating sila ni Xuxu ngayon. Si Hadrian naman sabi niya ay male-late siya dahil meron siyang pupuntahan

Sa nakalipas rin na mga buwan, naging mas close na kami ni Hadrian. Siya kasi yung laging nandiyan kapag kailangan ko ng tul

Nalaman ko na dito siya sa Manila nakatira. Siya yung nag-aasikaso sa business ng parents niya which is about sa Fashion

“Ayan na hinihintay mo” Rinig kong sabi ni Niona

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa pintuan at agaran akong napangiti ng makita ko si Suhence na papasok kasunod si....

“MOMMYYYYYY!”

Tumatakbong lumapit sa kinaroroonan ko si Xuxu. Tinulungan Naman ako ni Kasper na makatayo para salubungin ang bata

Tumigil sa harapan ko si Xuxu. Nagulat ako ng makita ko ang naging ekspreyon ng Mukha nito habang nakatingin sa malaki kong tiyan. Kunot na kunot ang noo at salubong na salubong ang makakapal niyang kilay

“How many watermelons did you swallow, Mommy? Why your tummy is big like that?”

Natawa kami sa sinabi niya. Halata ang pagka-inosente nito. Ginulo ko ang kaniyang buhok at saka pinisil ang matambok niyang mga pisngi

“I didn't swallow watermelons, Love. I have 3 babies inside my tummy, that's why”

“3 Babies? But, how they get in there, did you swallow them all?” He asked with confusing face

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon