CHAPTER 7

6.4K 124 1
                                    

"Kamusta ka na?"

Humigop ako ng kape sa aking tasa. Pagkatapos ay ibinaba ko ito sa lamesa saka siya hinarap at nginitian

"Okay lang. Ikaw, kamusta na?" Simpleng sagot ko dito. Ngumiti naman ito pabalik. Hinawakan nito ang aking isang kamay at tumingin ng diretso sa aking mga mata

"Not okay. I missed you" sagot nito saka marahang pinisil ang aking kamay. Hinawakan ko ang kamay nitong nasa isang kamay ko

"Dapat mo nang sanayin ang sarili mo na hindi ako kasama lalo pa ngayon na aalis ka na. Masaya ako dahil tutuparin mo na ng tuluyan ang pangarap mo" nakangiting sabi ko sa kaniya

Binitawan nito ang kamay ko saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga "I know. And it's hard for me to do it. Alam mo namang simula ng gumaling ako ikaw na ang lagi kong kasama. I'm used to it, nasanay na ako sa presensya mo. Ilang araw ka pa nga lang na nahiwalay sa akin ay hinahanap-hanap ko na ang amoy mo. I don't know if I can live in America without your presence"

"Masasanay ka rin Kasper"

"Hope so"

Narito ako ngayon sa isang Coffee shop malapit sa Hospital na pinagta-trabahuhan ko. Nakipagkita ako kay Kasper dahil nag-text ito na gusto niya raw akong makasama sa huling pagkakataon bago ito lumipad patungong America.

Nakakalungkot man pero mas okay na ang ganito. Para ko na rin kasi siyang Kuya.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan ni Kasper bago ito nagyaya ng umuwi.

"Salamat Sloane ha. Kahit alam ko na busy ka ngayon sa Hospital may oras ka parin para makipagkita sa akin" nakangiting sabi nito. Ngumiti din naman ako pabalik

"Syempre importante ka sa akin Kasper. Kaya, may oras ako para sa iyo" sagot ko sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay ko kaya saglit akong napatingin ako doon

"Can I make a request one last time?"

"Ano iyon?"

"Can I kiss you for the first and last time?"

Bago pa man ako makasagot ay mabilis ng lumapat ang mga labi nito sa akin. Gulat na gulat akong nakatingin sa mukha niya habang patuloy na gumagalaw ang mga labi niya sa akin. Wala sa sariling naitulak ko siya kaya napabitaw siya sa akin

What the!

"Sorry. G-galit ka ba?" Tanong nito gamit ang malungkot na tinig. Tinignan ko siya sa Mukha saka umiling

"H-hindi. Nabigla lang ako" sagot ko. Pero ang totoo ay nainis ako sa ginawa niya. Alam kong naging-unfair ako sa kaniya noon. Dahil kahit dalawang taon kaming naging magkasintahan ay ni minsan hindi niya ako nahalikan.

"I love you Sloane. At kahit na kailan hindi 'yon magbabago"

"Mahal din naman kita Kasper..." Agad na lumiwanag ang mukha nito. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi. Ngumiti ito na umabot hanggang sa mga mata niya

"Really? Mahal mo din ako?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti

"Oo. Pero bilang nakatatandang kapatid at kaibigan lang" sagot ko. Kaagad na napawi ang mga ngiti nito. Inalis nito ang mga kamay sa pisngi ko saka huminga ng malalim

"I see. I just thought.."

Bigla akong nakaramdam ng guilt ng Mapait itong ngumiti sa akin. Saglit itong tumingin sa kaniyang wrist watch at saka nagpakawala ulit ng malalim ng buntong-hininga

"Anyway, I have to go now. Mag-iingat ka lagi Sloane. Huwag mong papabayaan ang sarili mo ha" Tumango ako kasabay ng paghalik nito sa aking noo

Ilang paalala pa ang sinabi nito bago ito tuluyang umalis sakay ng kaniyang kotse.

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now