CHAPTER 10

6.2K 126 6
                                    

SLOANE

"Where did you go last night, Mommy?"

Nahinto ako sa pag-aayos ng kaniyang uniform at saglit siyang binalingan ng tingin "I woke up around 10 pm, and I didn't see you beside me" dugtong pa nito na siyang ikinalunok ko

Tipid ko siyang nginitian at saka bahagyang pinisil ang kaniyang ilong "Mommy just did something outside, sorry Love" sagot ko na lang sa kaniya

Napa-buntong hininga na lamang ako ng maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung among klaseng energy mayroon ang matandang 'yon dahil tila wala siyang kapaguran. Halos makailang beses kasi na naman naming ginawa ang bagay na iyon kagabi, hindi man lang siya makuntento ng isang beses lang

Hindi pa kami kasal, pero ilang beses ng may nangyari sa amin. Kung tutuusin ay kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa dahil pareho naman naming Mahal ang isa't isa. 'Yon nga lang ay hindi ko pa masabi sabi sa kaniya ang nararamdaman ko

Pagkatapos kong bihisan si Xuxu ay bumaba na rin kami para makakain na muna siya ng breakfast bago siya pumasok sa eskwelahan. Humawak ako sa railings ng hagdan habang pababa. Hindi kasi ako makapaglakad ng maayos dahil medyo masakit ang katawan ko. Pero hindi naman masiyado hindi gaya noong una

Napatingin ako kay Xuxu ng huminto ito sa pagbaba at nilingon ako

"Are you alright, Mommy?" Nag aalalang tanong nito. Ngumiti naman ako saka tumango sa kaniya

"I'm fine, Love. Don't mind me"

"Okay"

Nagpatuloy kami sa pagbaba. Ng makababa kami ay dumiretso kami sa Dining room. Nadatnan namin doon si Manang Lumeng at Ate Lydia na abala sa pagpe-prepara ng mga pagkain. Agad na bumaba ang tingin ni Manang Lumeng sa aking mga paa ng tuluyan kaming makapasok sa loob ng Dining room

"Good morning Lola Manang and Ate Lydia" Masiglang bati ni Xuxu sa dalawa. Nginitian naman siya ng mga ito

"Good morning din baby boy" Lumapit si Manang Lumeng kay Xuxu at niyakap ito saka hinalikan sa pisngi. Sunod ay binalingan ako nito ng tingin at ngumiti na naman ng kakaiba

"Mukhang namanhid na naman ang iyong mga paa, Hija. Kakaiba na naman ang iyong paglalakad" usal nito. Alanganin akong ngumiti sa kaniya saka mabilis na nag-iwas ng tingin

"G-ganon na nga ho, M-manang"

Ewan ko ba kay Manang Lumeng at napaka-usisa. Kaunting pagbabago lamang sa akin ay madali nitong napapansin

"Sana nga magbunga na ang madalas na pamamanhid ng iyong mga paa, Hija. Para naman magkaroon ng kulay itong bahay lalo na kapag may mga bata gaya nitong si Xuxu" makahulugang saad nito na ikina-kunot ng noo ko.

"Paano ho magiging makulay ang bunga ng pamamanhid ng paa, Manang? At nagbubunga ho ba iyon?" Naguguluhan kong tanong. Among klaseng bunga ba sa pamamanhid ng mga paa

"Ang hirap talaga kapag lumaki kang inosente sa mga bagay bagay" Nabaling ang atensiyon ko kay Ate Lydia ng sabihin niya iyon

"Huwag mo na lamang intindihin ang mga pinagsasabi ko, Hija. Umupo na kayo ni Xuxu para makakain na kayo"

Gaya ng sinabi niya ay hindi ko na lamang pinagtuonan iyon ng pansin. Inalalayan ko na lang si Xuxu na umupo sa upuan.

Pagkatapos nilang ilagay lahat ng pagkain sa Mesa ay nagpaalam na rin ang mga ito. Hindi kasi sumasabay sa amin sina Manang Lumeng sa pagkain. Pero noong wala pa si Don dito ay kasabay ko sila palaging kumakain

"Good morning"

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang malalim na boses na nagmula kay Don Octavius na papasok dito sa Dining room. Maaliwalas ang Mukha nito habang naglalakad palapit sa pwesto namin ni Xuxu.

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon