CHAPTER 35

4K 138 9
                                    

SLOANE

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong nawalan ng lakas

Dahan-dahan na nitong hinuhubad ang aking Dress. Ngunit bago niya pa man tuluyang mahubad ay mabilis akong humarap sa kaniya dahilan para matanggal ang pagkakahawak nito sa aking dress. Mabilis ko naman 'yong hinawakan para hindi tuluyang malaglag

Humugot ako ng matinding lakas ng loob para harapin siya. Matapang kong sinalubong ang malamlam niyang mga mata na nakatitig sa akin. Pinilit ko ring hindi magpakita ng anumang emosyon sa kaniya

“Buntis lang ako, hindi pa ako lumpo. Kaya ko pang kumilos para sa sarili ko. Pero salamat na rin sa tulong mo” Pormal kong saad. Matinding pagpipilit ang ginawa ko para lamang hindi ako makapag-labas ng anumang emosyon. Pero sa loob loob ko, sobrang saya ko dahil narito siya. Masaya ako para sa mga Anak ko

Ayaw kong gumawa ng unang hakbang. Gaya nga ng sabi ko noon, hindi ako ang tipo ng tao na ipagsi-siksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw na o ayaw sa akin.

I honestly want to hug him right now, But I still chose not to give in to my emotions

He's the one who pushed me away, kaya dapat siya rin yung hihila sa akin pabalik sa kaniya kung gusto niya pa man akong makasama

Wala itong naging imik. Tahimik lang itong nakatitig sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng pagtitig niya. Para niya akong kinikilatis na hindi ko maintindihan

This is what I hate about him. Tititigan ka lang at hindi siya iimik. Ganitong-ganito siya noon. Same treatment noong unang dating ko sa Mansion. Everytime na kakausapin ko siya, hindi siya sasagot. Instead, tititigan ka niya ng matagal hanggang sa ikaw na ang unang mag-iiwas ng tingin sa kaniya, then kapag hindi ko na siya iimikin saka siya mangungulit. Para siyang Bipolar na may pagka-psycho

Mula sa aking Mukha ay dahan-dahan na bumaba ang kaniyang mga mata sa aking tiyan. Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako

“Stay” Ramdam ko ang diin at awtoridad sa boses nito. Heto na naman siya. He's acting like a boss again

Hindi na ako gumalaw gaya ng gusto niya. Tumigil siya sa harapan ko. Saglit niya akong tinignan sa aking mga mata saka muling ibinalik ang atensiyon sa aking tiyan

“Can you show me their pictures. I want to see their looks” Mahinang usal nito habang nakatitig pa rin siya sa aking tiyan

He's referring to the ultrasound picture of our babies, I guess

Pero bakit gusto niyang makita

Hindi ba't pinaniniwalaan niyang hindi siya ang ama ng mga baby ko

“Para saan pa. Hindi mo naman sila Anak, 'diba. Bakit gusto mo pang makita ang itsura nila?” Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya. Pero mas pinili ko na lang ang manahimik

Ayokong i-stress ang sarili ko. Baka kasi, mapaanak ako ng maaga dito

Umatras ako ng kaunti saka ko siya tinalikuran at tinungo ang Drawer kung nasaan nakalagay ang ultra sound picture ng babies ko. Kinuha ko iyon saka siya muling hinarap

Humakbang ako palapit sa kaniya at iniabot ang ultrasound picture

I looked straight into his eyes

“Dalawang lalaki at isang babae ang gender ng mga anak KO. Kung gusto mo lang namang malaman” I formally said emphasizing the word 'KO'

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Siguro kasi, hanggang ngayon masakit pa rin kahit papaano sa akin na 'di niya ako pinaniwalaan noon. Nasa isip ko pa rin kasi siya hanggang ngayon at nasa puso ko pa rin yung sakit

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon