CHAPTER 43

4.1K 108 9
                                    

Third Person

“Mukhang nanahimik na si Quiros ah. It's been two months pero hindi pa siya nagpaparamdam ulit” Ani Kasper sabay higop sa kaniyang Kape. Nilingon naman siya ni Sloane na nakaupo rin sa kaniyang tabi. Nasa kusina silang dalawa at parehong nagkakape.

“Sana nga. Pero sabi ni Don na huwag daw munang magpapakampante. Kakaiba daw kasi mag-isip si Quiros ayon kay Quillen” Sagot naman ni Sloane saka sumubo ng ginawa nitong sausage salad

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng malaman nito ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Sa mga nagdaang Araw, linggo at buwan ay naging tahimik at masaya na ang buhay nila. Walang paramdam mula kay Quiros, na balita nilang nasa ibang bansa pa rin. Hinihiling nga ni Sloane na sana ay hindi na sila nito muling guluhin pa nito. Kahit na hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya sa kung ano ang dahilan kung bakit gusto nitong sirain ang pagsasama nila ni Vius

“Kamusta naman panliligaw mo kay Amarie?” Biglang tanong ni Sloane na kagaad ikinasamid ni Kasper. Napansin nito ang biglaang pagpula ng Mukha at mga tainga ng binata na lihim niyang ikinangiti. Alam na kasi niya ang ibig sabihin kung bakit madalas namumula ang mukha nito kapag topic si Amarie. Kinikilig o di naman kaya'y nahihiya ito

“I a-am n-not courting h-her” Utal at hindi mapakaling sagot ni Kasper sa kaniya. Napangisi naman si Sloane

“Hindi daw, kaya pala halos araw-arawin mo ang pagpunta sa alfonso, kasi ano nga? May meeting ka doon? Meeting na araw-araw? Meron bang gano'n?” Pang-aalaska pa nito. Mas lalo namang namula ang  Mukha ni Kaper saka dire-diretso nitong hinigop ang mainit pa nitong kape. Napahalakhak ng tawa si Sloane dahil sa naging reaksiyon nito sa sinabi niya. Nabalitaan kasi nito sa kaibigan niyang si Niona na araw-araw daw pumupunta itong Kuya niya sa bayan ng Alfonso. Kaya pala hindi na ito madalas dumadalaw sa kaniya dahil ay may iba na itong dinadalaw sa Cavite at natutuwa naman siya doon.

“Stop laughing at baka mapaanak ka diyan ng wala sa oras” Masungit nitong saway sa kaniya. Isa pa ito. Pansin ni Sloane na palagi itong nagsusungit sa kaniya. Ni hindi na nga ito nagsasalita ng mga sweet lines o sweet gestures katulad ng dati nitong ginagawa. May iba na talaga siyang pinag-aalayan ng ka-sweetan niya

“Early Monkey *yawn*” Sabay nilang nilingon si Hadrian ng pumasok ito sa kusina. Dumiretso ito sa counter para magtimpla ng kaniyang kape. Mukhang kagigising lang nito dahil magulo pa ang kaniyang buhok at panay pa sa paghikab

“I'm early because I am still young, unlike you, you're an Old Hippo!” Pang-aasar ni Kasper sa kaniya. Huminto naman si Hadrian at binalingan siya ng masamang tingin

“What did you say? Who's old?” Hadrian greeted his teeth. He even clenched his jaw. Napailing na lang si Sloane. Hindi na talaga nagbago itong dalawang 'to. Lagi paring nag-aasaran. Natatawa na nga lang siya minsan kay Hadrian dahil siya ang laging pikon kahit siya naman lagi ang nagsisimulang mang-asar

“What? Nagsasabi lang ako ng totoo” Maang na sagot naman ni Kasper na lihim pang ngumisi

“Shut up you son of Kingkong!” Ani Hadrian na ikinasimangot ni Kasper

“You shut up too! You started it, and yet you're the one who got pissed” Sagot naman ni Kasper. Napabuga na lamang ng hangin si Sloane. Ang aga pa pero bangayan na ng bangayan itong dalawa. Sa katunayan ay sumasakit na ang ulo niya sa dalawa, idagdag pa ang biglaang paghilab ng kaniyang tiyan. Hindi niya pa naman due-date ngunit pakiramdam niya ay gusto ng lumabas ng mga baby niya ngayong araw

“Will you two stop! Rinig na rinig sa buong barangay ang mga nakakairita niyong boses” Saway nito sa dalawa Nabaling naman ang tingin nila kay Sloane na nakasimangot na sa kanila “Baka mamaya bigla na lang lumabas itong mga baby ko dahil sa rindi sa inyo” Dugtong pa nito. Sabay namang umarte ang dalawa na i-zinip ang kanilang mga bibig

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon