CHAPTER 9

6K 136 2
                                    

Hapon na ng ihatid ni Suhence ang anak nitong si Xuxu kay Sloane. Imbes na malungkot dahil aalis ang ama; tuwang tuwa pa si Xuxu dahil titira ito sa bahay ng Mommy Sloane niya.

"Your house is quite big Mommy. I like it" Komento ng bata habang pinagmamasdan ang kabuoan ng Mansion. Bakas sa Mukha nito ang pagkamangha sa mga nakikita. Napangiti naman si Sloane

"This house isn't mine, Love" sagot ni Sloane dito saka bahagyang pinisil ang ilong ng bata. Hinawakan niya ang kamay ng bata at hinila papasok sa loob ng bahay. Huminto sila sa Sala at inalalayan niyang pinaupo ang bata sa Sofa

Hindi niya pa nasabi sa kaniyang Don ang tungkol kay Xuxu. Kapag kaharap niya kasi si Vius ay pinapangunahan na kaagad siya ng takot at kaba. Alam niya namang mabait si Vius, kaya paniguradong matatanggap nito si Xuxu sa Mansion

"Then, whose house is this Mommy?" Kunot noong tanong ng bata. Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis dito dahil may isang kalokohan ang pumasok sa kaniyang isip

"This is my Daddy's House" nakangiting sagot ni Sloane dito.

"What's his name Mommy and I want to meet your Daddy" Halata ang excitement sa Mukha ng bata. "He is Don Octavius Love, but you can just call him Lolo boo" sagot ni Sloane saka ngumiti ng malapad

"Lolo boo? Sounds cute Mommy" natatawang pinisil ni Sloane ang pisngi ng bata

Gabi na ng makauwi si Vius ng Mansion. Halata ang pagod sa Mukha nito bunga ng maghapong pangangampanya nito sa ibang parte ng Batangas. Dumiretso ito sa Sala at umupo sa sofa

"Manang!" Tawag nito sa kung sino man sa kasambahay na pwede niyang utusan. Lumabas naman sa kusina ang matanda na si Manang Lumeng at lumapit sa gawi niya

"May kailangan ka, Hijo?" Tanong ng matanda. Kapag silang dalawa lang ay Hijo ang tawag nito sa kaniya. Tinatawag lang siya nitong 'Don' o 'Sir'  kapag may iba silang kasama. Sumandal si Vius sa sandalan ng sofa. Ipinikit ang mga mata at bahagyang hinilot ang kaniyang sintido saka ito nagsalita "Is Sloane home yet?"

Saglit na napatitig sa kaniya ang matanda. Kahit pagod na pagod ito ay ang dalagang si Sloane ang palaging unang tinatanong nito. Bahagyang ngumiti ang matanda bago ito sumagot "Kanina pa siya nakauwi. Nasa kwarto siya at nagpapahinga"

"Okay Manang. Can you give me a cup of tea. I want to freshen up my mind" ani Vius habang patuloy nitong hinihilot ang sintido "Sige Hijo" sagot ng matanda saka ito bumalik sa kusina para igawa ito ng tsaa

"Hi"

Kaagad na iminulat ni Vius ang kaniyang mga mata ng makarinig ng boses ng bata. Nangunot ang kaniyang noo ng makita ang batang lalaki na nakatayo sa harapan niya

"What is your name, Mister? " Magalang na tanong nito sa saka umupo sa tabi niya

"Who are you? How did you get in here?" Tanong niya sa bata

Itinuro naman ng bata ang pintuan " We used that door to get in here po" inosenteng sagot nito saka siya muling tinignan at nginitian "My name is Xuriel Xunno, but you can call me Xuxu po" magiliw na pakilala nito

Nagtaka si Sloane ng hindi niya makita si Xuxu sa kwarto niya. Sinabihan niya ito na huwag lalabas at manatili lamang doon habang naliligo siya. Pero mukhang hindi siya nito pinakinggan at sinunod

Nagmadali siyang nagbihis ng damit at lumabas ng kaniyang kwarto para hanapin ang bata

Makailang beses siyang napalunok habang pababa ng hagdan ng matanaw nito si Xuxu na kausap ang kaniyang Don sa Sala.

"Xuxu" Tawag niya dito. Nakuha naman nito ang atensiyon ng dalawa at sabay siyang nilingon

"Mommy!" Tumakbo ang bata palapit sa kaniya. Agarang nagsalubong naman ang mga kilay ni Vius sa narinig

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon