CHAPTER 24

4.3K 110 5
                                    

“What are these two Monkeys doing here, huh?” Malamig nitong tanong sa akin na muli kong ikinalunok

Binalingan ko ng tingin si Hadrian ng tumawa ito ng nakakainsulto

“Watch your mouth Vius. First, I am not a monkey. And if you do not know. I always came here to visit my future wife, right Babe?” Ani Hadrian ng ibaling nito sa akin ang kaniyang tingin. Kumindat pa siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis

Napaawang naman ang aking bibig dahil sa sinabi niya

Babe? Ako ba ang tinawag niyang babe?

Tinignan ko si Don. Madilim ang Mukha nito at walang mababatid na kahit anong emosyon habang nakatingin kay Hadrian. Mahigpit ring nakakuyom ang kaniyang mga kamao

Nagmadali akong tumayo at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng mahina.

“Huwag mo na siyang patulan, please!” pakiusap ko. Binalingan niya ako ng tingin. Lumamlam ang ekspreyon ng kaniyang mukha

He sighed “Why are you here? Hindi ba't sinabi ko na sa Mansion ka lang at dapat na nagpapahinga” Mahinahong saad niya na ikinayuko ko

“Sorry. Ayoko lang naman kasing manatili lamang doon. Kaya ko pa namang magtrabaho eh” ani ko

“But you have to stay there. Wala ako lagi sa tabi mo. What if may mangyari sa‘yo dito” Ani'to saka pinasadahan ng tingin sina Hadrian at Kasper

“Why Vius? Are you that afraid that I will soon get her, so you want to hide her inside that d-amn h-ell” Rinig kong ani Hadrian

Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin. Pero ang b-wesit, nginisian lang ako. Nagulat ako ng kabigin ako ni Don at inilagay sa likuran niya

“Afraid of who?....You?” Sarkastikong tanong ni Don “Who are you for me to be afraid of? And do you think that you can get her from me. Asa ka!” dugtong pa niya saka niya ako hinarap

“Let's go home. This place is polluted, baka makasama sa inyo ng ANAK natin” He said emphasizing the word 'anak'

Binalingan niya ng saglit na tingin si Kasper na tahimik lang na nakaupo saka binaling ulit kay Hadrian “And if you do not know. We're having a baby soon. Magiging isang pamilya na kami. So better stop your illusion as soon as possible. Baka mabaliw ka ulit” Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas ng Clinic ko

Dire-diretso kaming naglakad palabas ng Hospital. Huminto lang kami sa parking Lot kung saan nakaparada ang kaniyang Kotse

“Did he do something bad to you?” Tanong nito habang chine-check ang katawan ko

Umiling ako “Wala po”

He heaved a sigh “Is that true, na lagi siyang nasa clinic mo?” Kalmado niyang tanong. Napayuko ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka dahan-dahang tumango

Muli siyang bumuntong hininga. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kaniya ang aking Mukha

“How about the other Monkey? Lagi rin ba siyang nasa clinic mo?”

Hindi ako makasagot kaagad dahil hindi ko alam kung sinong Monkey ang tinutukoy niya. Biglang sumagi sa isipan ko si Kasper

“Si Kasper po ba?” He nodded

Umiling ako “Dumaan lang po siya ngayon”

“Okay” Hinarap nito ang pintuan ng passenger seat at binuksan

“Galit ka ba?” Kagat labi kong tanong. Humarap naman ito sa akin at umiling

“Why would I? Beside, alam ko naman na ako ang Mahal mo kaya malaki ang tiwala ko sa'yo na hindi mo ako lolokohin kahit na may ibang lalaki pa ang lumapit sa'yo” Napangiti ako sa sinabi niya

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon