CHAPTER 37

3.7K 117 11
                                    

SLOANE


“Sigurado po kayo na okay lang siya Doc?”

Tanong ko kay Doc Romualdes. Siya ang tumingin kay Don matapos nitong mawalan ng malay kanina.


Binalingan niya sandali ng tingin si Hadrian na tila humihingi ng permiso na siyang ikinataka ko

“Y-yes. He's fine. Nasobrahan lamang siya ng pagod kaya siya nawalan ng malay. Kailangan niya lang magpahinga kaya 'wag ka ng mag-alala” Sabi nito. Pero hindi ako mapalagay sa sagot niya. Parang hindi siya nagsasabi ng totoo

“O siya, maiwan ko na muna kayo. I have another patient I need to check”

Nagpasalamat kami kay Doc Romualdes bago ito umalis

“Tsk! Masiyado kasing ini-stress ang sarili” Ani Haddi na

“Kasalanan mo kasi. You're the one who gave him stress” Ani naman ni Kasper. Bago pa man sumagot si Haddi ay inunahan ko na siya. Hinarap ko silang dalawa at sinamaan ng tingin

“Subukan niyong magbangayan dito. Ipapakaladkad ko kayo pareho sa mga body guards” Pagbabanta ko saka ko sila inirapan. Sabay naman silang umakto na i-zinip ang kanilang mga bibig. Hinarap ko ulit si Don na nakahiga sa hospital bed. Magta-tatlong oras na siyang walang malay at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya at marahan 'yong hinaplos

“I'll just go buy something to eat” Rinig kong paalam ni Haddi

“Ako rin. Gutom na ako” Si Kasper. Nilingon at tinanguan ko na lang silang dalawa


“How about you Sloane, may gusto ka bang kainin?” Umiling na lang ako kay Haddi

“Okay lang ako. Tubig na lang siguro”

“Okay” Pagkaalis nila ay umupo ako sa side ng kaniyang kama. Tinitigan ko ang kaniyang mukha

Nabaling ang aking atensiyon sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok si Manang Lumeng kasunod si Ate Lydia

“Kamusta na raw si Vius, Hija?” Kaagad nitong tanong saka naglakad palapit sa kinaroroonan ko

“Ang sabi ho ng Doctor ay nasobrahan lamang siya sa pagod kaya siya nawalan ng malay. Pero ewan ko ba Manang. Parang duda ako na iyon lang ang dahilan” Sagot ko. Hinawakan naman nito ang balikat ko at hinaplos

“Marahil ay iyon lang talaga ang dahilan, Hija. Huwag ka ng mag-isip pa ng kung ano. Siguro ay ito na ang resulta ng pagod niya sa gabi gabing pagbyahe niya mula Kapitolyo sa Batangas patungo rito sa Maynila” Saad nito na ikinataka ko

“Gabi gabing byahe ho, Manang? Ano hong ibig niyong sabihin?”

“Pinagsabihan na ako ni Vius na huwag itong sasabihin sa iyo. Ngunit sa tingin ko ay dapat mo rin namang malaman. Naaawa na rin kasi ako sa sitwasyon niyong dalawa”

Kumunot ang aking noo. Ano bang ibig niyang sabihin

“Simula ng lumipat tayo rito sa Maynila ay gabi gabi na ring bumabyahe si Vius galing Kapitolyo hanggang dito. Darating siya rito ng Alas 11 ng gabi, matutulog ng ilang oras sa iyong silid, katabi mo pagkatapos ay gigising ng alas tres ng umaga para bumyahe ulit pabalik ng Batangas. Gabi-gabing naging ganoon ang routine niya, Hija. Limang buwan na siyang gano'n. Siguro ay nasobrahan na siya ng pagod at puyat kaya nangyari ito sa kaniya”

“Bakit niya ho 'yon ginagawa?”

Bumabyahe siya ng ilang oras sa gabi para lang dito sa Mansion kasama ko matulog?

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon